ibulosyon ng Disiplina sa panahon ngayon marahil lahat ay mabilis - TopicsExpress



          

ibulosyon ng Disiplina sa panahon ngayon marahil lahat ay mabilis ang pag babago ,teknolohiya, kaisipan ng tao,kamalayan ng tao at pati na din ang disiplina ng tao. Habang kanina ako ay nagbukas ng Fb may mabasa akong mga saloobin at opinyon ng ilan, mangilan ngilan mna ito ngunit nakakaagaw ng pansin ika nga. Bigla akong napatigil sa aking pagbasa at napa isip sabay tanong saaking sarili, ganito na nga ba ka sensitibo tayo at ganito na din ba tayo kalayo sa nakagisnang salitang disiplina sa eskwela? malamang ang sagot ng ilan ay "Oo" Natatandaan ko pa ng ako ay nasa elementarya, sa panahong iyon kapag wala kang naihandang sagot sa homework maswerte ka kung palo sa kamay ang aabutin mo, kung minamalas malas seating on the air plus may libro sa mga kamay habang naka dipa. Nang ako ay nasa sekondarya na aaminin ko po na nagawa ko ding gumawa ng kalokohan na marahil masaklap ang kaparusahan, at naalala ko din na mas mabigat ang parusa noon kaysa ngayon. Mabalik tayo sa aking katanungan, ganito na nga ba tayo ka sensitibo? marahil sa panahon ngayon iba na ang pananaw ng ibang tao,iba na ang panahon na kung saan may social media, iba na ang panahon na kung saan nauunang mag reklamo kaysa sumunod, at iba na ang panahon na kung saan ang pagkakamali minsan ay pinaninindigan upang maging tama lamang. Mali ang manakit ng kapwa,mapa pisikal man o imosyonal, ngunit sa bandang huli saan ba natin ilalagay ang ating pagkakamali kung minsan alam natin sa ating mga sarili na tayo ang may simula, na minsan imbes na sundin ang tama mas inuna pa nating maghanap ng kakampi at simpatya ng iba para lamang ang pagkakamali ay maging tama. ganito na ba ang ibulosyon ng disiplina?
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 14:21:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015