kung ang kasalukuyang konsepto ng "positive vibes" ang ating - TopicsExpress



          

kung ang kasalukuyang konsepto ng "positive vibes" ang ating paniniwalaan ano na lang ang magiging opinyon natin kay: Andres Bonifacio na sumigaw at nagrebolusyon sa pagmamalabis ng mga kastila? Jose Rizal na nagsulat ng mga batikos sa katiwalian ng simbahan at gobyerno? Mga magsasakang Pilipino na kahit babad sa initan sa sobrang sipag ay below minimum pa rin ang sinasahod at hindi pinapansin ng lipunan? Martin Luther King na isang civil rights activist? Hesu Kristo na laging hindi sumasang ayon sa kabutihang pinaniniwalaan ng karamihan? * ang pagiging TUNAY na positibo at maligaya ay hindi nakabase sa birong alanganin, estado ng emosyon, apirmasyon at pagsang ayon ng iba, pansamantalang pagtawa, itsura, tono ng pananalita at paggamit ng iba, sa PANSARILING KaSAYAhan* Ito ay MALIWANAG na nakukuha sa SINSERONG PAGTANGGI sa sarili sa ngalan ng SERBISYO , sa pagharap sa negatibong pangyayari ng may PAG-ASA , Aktibong PAKIKIBAHAGI sa solusyon, pagiging galit sa maling MINDSET, Istruktura at Kultura HINDI sa kapwa Ito ay mula sa PAG IBIG sa DIYOS at sa Kapwa. Good Vibes anyone ? :)
Posted on: Sat, 07 Sep 2013 00:41:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015