--whitegirl-- “Don’t try to hurt someone on purpose just - TopicsExpress



          

--whitegirl-- “Don’t try to hurt someone on purpose just because they hurt you by accident” Madalas nagagawa natin to, madalas tayong nakakasakit at nananakit ng tao para lang masabing “matauhan” siya sa mga ginagawa niya. may mga tao kasing sadya yung pagpapasakit na ginawa sayo pero may mga iba namang hindi sinadya’t hindi naman din alam na nasaktan ka. Pilit mang iwasan makasakit ng iba, talaga namang hindi mo maiiwasan. Pero diba aminin mo, gusto mo maging fair sa mga nagawa sayo ng tao, gusto mong bumawi sakanila. Pero hindi dapat eh. Gano man kasakit yung ginawa niya sayo wala kang magagawa. Gawin mo man sakanya yung ginawa niya sayo wala. Wala kang mapapala. Madalas ang mangyayari pa sa paghihiganti mo eh ikaw yung masasaktan. Ikaw yung susuko na lang. Na masyado mo na pinagtuunan ng pansin na bumawi sa iba na ang sarili mong buhay nawawalan na ng halaga’t nawawalan na ng nakakaintindi.
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 22:27:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015