1st time kong ma-confine. Sobrang sakit ng tinurok saking karayom, - TopicsExpress



          

1st time kong ma-confine. Sobrang sakit ng tinurok saking karayom, lalagyan na daw kasi ako ng swero. Nakatatlong turok sakin yung nurse na lalaki ang hirap daw kasing hanapin ng ugat ko. Gusto kong sanang sapakin yung nurse na yun kasi sobrang sakit talaga nung tinuturok niya sakin kaya tiniis ko na lang ang sakit. Di ko inaasahan na kada paggising ko sa umaga ay kukunan ako ng dugo para eeksamin. halos maubusan na ako ng dugo eh! hahaha...di pati ako makatulog dun ng maayos kasi lagi akong ginigising ng mga nurse na naka-assign sakin para tingnan yung blood pressure ko at tanungin kung ilang baso na ang nainom ko, ilang beses akong imihi at dumumi. medyo nakakahiya pag ganun. hahahaha...
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 09:05:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015