2,600 katao apektado ng heatwave sa Japan (REMATE) Jul 10, 2013 - TopicsExpress



          

2,600 katao apektado ng heatwave sa Japan (REMATE) Jul 10, 2013 9:37am HKT ABOT sa 2,600 katao na ang nilalapatan ng lunas sa iba’t ibang pagamutan dahil sa heatwave na tumama sa Japan. Ito’y makaraang umabot sa 35 degrees celsius ang temperatura simula noong huling linggo ng Hunyo. Ayon sa Fire and Disaster Management Agency, 57 ang nasa malubhang kalagayan. Karamihan sa biktima ang na-heat stroke ay residente ng Aichi Prefecture. Bihira lamang tamaan ng heatwave ang Japan lalo’t katatapos lang ng winter season noong Hunyo. Mocha
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 02:51:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015