2 anak pinakulong sa kwentong rape Hindi raw mapapantayan ng - TopicsExpress



          

2 anak pinakulong sa kwentong rape Hindi raw mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. May kasabihan pa na ang anak, kayang tiisin ang magulang, ngunit ang magulang ay hindi kailanman kayang tiisin ang kanyang anak. Pero kabaliktaran ito sa nangyari sa Navotas City dahil mismong ang mga magulang ang nagpakulong sa dalawang 15-anyos na binatilyo nang marinig ang kwentuhan ng magkaibigan sa kahalayang ginawa sa isang 12-anyos na estudyanteng babae na kanilang nakasalubong sa daan kamakalawa ng hapon. Hindi makapaniwala ang ina ng isa sa dalawang bagets na itinago sa mga pangalang Adam at Jeron, nang mapagkwentuhan ng mga ito habang nag- iinuman kinagabihan ang nagawang kahalayan sa biktima at nagpaplano pa umanong ulitin kung saan ay kanila nang tototohanin kapag nakita muli ang biktima. Dahil sa narinig, kinompronta ng ina si Adam at ang kaibigan nitong si Jeron. Pagkatapos pagalitan ay tinawagan ng ina ni Adam ang magulang ni Jeron at pinasundo ito sa kanilang bahay. Agad na dinala sa kanilang barangay ng ina si Adam habang sinamahan naman ng kanyang ama si Jeron upang paaminin sa kanilang ginawa. Samantala, nang makausap na rin ng mga awtoridad ang biktima ay inamin nito ang insidente at saka kinumbinsi ng mga magulang ng dalawang binatilyo na magsampa ng kaukulang reklamo. “Kapag kinunsinti ko ang anak ko, hindi lalaking matinong tao ‘yan, kaya dapat niyang pagdusahan ang ginawa niya, hindi namin siya tinuruan ng kasamaan, ‘yung mabubuting kaugalian ang dapat niyang ginagawa,” ayon sa ina ni Adam nang kapanayamin ng TONITE . Sa pag-iimbestiga ng Women and Children’s Protection Desk, ganap na alas-tres kamakalawa ng hapon nang makasalubong nina Adam at Jeron ang biktima na naglalakad pauwi sa kahabaan ng Bagong Silang St. sa Barangay San Jose. Hinarang ng dalawang bagets ang biktima at nagsabi umano kung pwede silang magpakilala ngunit iniwasan niya ang mga ito. Biglang kinaladkad nina Adam at Jeron ang biktima at dinala sa isang bakanteng lote at doon sinimulang paghahalik-halikan at nililis ang unipormeng palda. Sinira pa ang blusa ng biktima at pinaghahawakan ito sa maseselang bahagi ng katawan. Walang nagawa ang biktima sa pinagsamang lakas ng dalawang binatilyo kundi ang humagulgol na lamang. Pero dahil sa takot nina Adam at Jeron na baka may makarinig sa kanila ay nilubayan din ang biktima at binantaang papatayin umano nila ito kapag may pinagsumbungan. Nang makaalis ang dalawa ay dali-daling tumakbo pauwi ang biktima ngunit dahil sa takot na baka totohanin ng mga suspek ang banta sa kanya ay wala siyang pinagsabihan ng insidente kahit sino. Nahaharap ngayon sa kasong threat at acts of lasciviousness ang dalawang binatilyo na parehong high school student na inilipat sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development sa Navotas. capricorn
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 12:24:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015