2 milyong OFWs uuwing jobless sa pagtatapos ng 2013; Tinatayang - TopicsExpress



          

2 milyong OFWs uuwing jobless sa pagtatapos ng 2013; Tinatayang nasa da­lawang milyong overseas Filipino workers (OFWs) na karamihan ay mga undocumented ang magsisi­uwing walang trabaho bago matapos ang taong 2013, ayon sa pagtataya ng Filipino migrant sectoral group na Migrante. “There are clear indications brought by various developing events worldwide, mostly in countries where there are large concentrations of OFWs, which will send at least 2M OFWs back home to join the growing numbers of unemployed and underemployed in the Philippines,” pahayag ni Migrante vice chairperson John Leonard Monterona na siya ring coordinator ng grupo sa Middle East at North Africa (MENA). Binanggit ni Monterona na karamihan sa mga OFWs na madadale ng job displacements ay mula sa Saudi Arabia at iba pang middle-eastern countries na nagkakasa na ng nationalization para sa kani-kanilang labor markets. Sa Saudi Arabia, dinagdag pa ni Monterona, tinatayang nasa 120,000 hanggang 300,000 OFWs ang magsisiuwi sa Pilipinas sa pagtatapos ng 2013. Sa nasabing bilang ay bukod pa ang mga na-terminate mula sa kani-kanilang trabaho simula noong 2010 nang ipatupad ang unang phase ng Saudization. Bukod sa Saudi, pati ang Kuwait ay nagpatupad na rin aniya ng puspusang crackdown laban sa ‘illegal’ migrants. Tinatayang nasa 24,000 umano ang bilang ng undocumented OFWs sa Kuwait. Sinabi pa ng Migrante na pihadong madadale rin ng lumalalang peace and order situation sa Egypt ang mga OFWs at kapag nauwi sa full-blown civil war ang mga kaganapan ay tinatayang nasa 32,000 OFWs, kabilang na ang 3,000 undocumented O­FWs ang puwersahang ire-repatriate. “Then, here comes report from Japan. That around 150 to 300 illegal OFWs will be deported, 75 of them have been deported the other day,” ani Monterona. Sa Taiwan naman, ayon pa kay Monterona, nasa 10,000 OFWs ang kasalukuyang apektado ng ‘freeze hiring’ bunsod pa rin ng pagkamatay ng Taiwanese fisherman kung saan sabit ang mga miyembro ng Philippine Cost Guard. Samantala, sa South Korea ang crackdown ng ‘illegal’ migrants ay “on and off” umano pero nasa 8,000 OFWs na umano ang naipa-deport simula noong 2011. creator.-))
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 21:13:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015