2 tirador ng motor naka-police uniform (May Ann Del - TopicsExpress



          

2 tirador ng motor naka-police uniform (May Ann Del Prado) Pruweba na mayroong mga kriminal na gumagamit pa ng uniporme ng pulis ang nangyari kama­kalawa ng hapon sa Las Piñas City kung saan nahuli ang dalawang lalaki habang nasa aktong tatangayin ang isang motorsiklo. Naka-uniporme pa ng pulis ang mga suspek na kinilalang sina Miguel Lawrence Salvador, 39, taga-Barangay Masili, Calamba City, Laguna at Jonathan Dimaano, 30, na naka­tira sa Central Bicutan, Taguig City. Naaresto sila ng nagpapatrulyang mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit ng Las Piñas Police dakong alas-singko ng hapon sa harap ng Golden Haven Cemetery sa C-5 Road sa bahagi ng Barangay Pulang Lupa Uno. Unang namataan ng mga awtoridad ang suspek na si Salvador na naka-uniporme ng pulis at napansin na pinatungan nito ng isang plakang may nakalagay pang “PULIS” ang isang kulay itim na motorsiklo. Nilapitan ng mga pulis si Salvador upang alamin kung bakit nito kailangang takpan ang orihinal na plaka ng motorsiklo ngunit nang mamataan ng suspek ang iba pang paparating na mga awtoridad ay mabilis itong tumakbo patungo sa kasabwat na si Dimaano na noo’y nag-aabang habang sakay ng kanyang motorsiklo upang tumakas. Bulilyaso ang tangkang pagtakas nina ­Salvador at Dimaano ­dahil naging alerto ang mga pulis at mabilis silang dinakma. Kalaboso na, nahaharap pa sila ngayon sa patung-patong na mga kaso ng carnapping, usurpation of authority or official function at illegal possession of pick lock na ginagamit sa pagnanakaw ng motorsiklo. abante-tonite/issue/july2213/crime_story04.htm
Posted on: Sun, 21 Jul 2013 22:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015