3 Senador sa PORK SCAM pinangalanan sa Senate hearing.... Walang - TopicsExpress



          

3 Senador sa PORK SCAM pinangalanan sa Senate hearing.... Walang kagatul-gatol na isiniwalat ni Commission on Audit (COA) Chairman Grace Pulido-Tan sa harap ng mga senador na miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee (COA) ang mga pangalan nina Senate minority leader Juan Ponce Enrile, Sens. Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang mga mambabatas na nagbigay ng pork barrel sa mga pekeng non-government organizations (NGOs). Sa tanong ni Sen. Teofisto ‘TG’ Guingona, chairman ng naturang komite, kay Tan kung may mga napasadahan itong mga dokumento ng pork barrel na may lagda ng naturang mga senador, positibo ang naging kasagutan ng COA chair. “Would you say in your professional opinion, there is a web of or a conspiracy that can be proven here?” tanong ni Guingona kay Tan. “Based on our observation, there is pattern but I will leave it to the Ombudsman and the DOJ secretary to determine if there is a conspiracy,” malumanay namang tugon ng COA chief. Narito ang bahagi ng tanong ni Guingona kay Pulido-Tan kung saan ay kalmante subalit diretsahan nitong tinukoy ang tatlong senador sa nabanggit na maanomalyang kontrata. Senador Guingona: Have you come across letters signed by Enrile? COA Chair Pulido-Tan: Yes, sir. Senador Guingona: Revilla? COA Chair Pulido-Tan: Yes, sir Senador Guingona: Estrada? COA Chair Pulido-Tan: Yes, sir Base sa mga dokumentong isinumite ng COA sa komite, si Enrile ay nakapaglaan ng P332.7 milyon, Si Revilla ay P483.4 milyon at si Estrada ay P262 milyon sa mga umano’y bogus na NGO na kinabibilangan ng Agri and Economic Program for Farmers Foundation Inc. (AEPFFI), Agricultura Para sa Magbubukid Foundation (APMFI), Countrywide Agri and Rural Economic Development (CARED) Foundation, Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation Inc. (MAMFI), People’s Organization for Progress and Development Foundation (POPDFI), Philippine Agri and Social Development Foundation, Philippine Social Development Foundation Inc. (PSDFI) at Social Development Program for Farmers Foundation Inc. (SDPFFI). Hindi nakasama sa tanong ni Guingona kay Pulido-Tan si Senador Gregorio Honasan pero base sa presentasyon ito ay napagpalabas din ang naturang mambabatas ng P14.5 milyon sa mga tinukoy na grupo. Bukod sa mga pangalan ng mga nabanggit na mambabatas, tinanong pa ni Guingona kung may mga papel ding nakita si Pulido-Tan na pirmado ng mga kinatawan ng mga ito at naging positibo ulit ang katugunan ng COA chair. “May mga pirmado po ng mga chiefs of staff nila pero hindi ko po mababanggit ngayon ang mga pangalan ng mga ito dahil hindi ko po naman kabisado ang mga pangalan nila,” sagot pa ng naturang opisyal sa muling pagtatanong ni Guingona. Isiniwalat din ni Tan sa mga senador na ang mga address ng mga NGOs na pinag­ laanan ng bahagi ng mga pork barrel ng mga nabanggit na senador ay kanilang isa-isang pinuntahan pero kung hindi umano bakanteng lote ang mga ito ay tinatayuan naman ng mga barung-barong o mga pasilidad na hindi naman matatawag na opisina. Kagaya ng naunang pahayag, hindi dumalo sa pagdinig sina Enrile at Revilla at nagpakita si Estrada sa opening pero agad itong umalis sa kadahilanang mahirap para sa kanya na nababanggit sa naturang eskandalo na manatili pa sa pagdinig.
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 21:57:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015