8 mga biyaya kapag natanggal na ang pork barrel: 1. Focus na lang - TopicsExpress



          

8 mga biyaya kapag natanggal na ang pork barrel: 1. Focus na lang sa paggawa ng batas o pagpatibay ng mga nalulusutang batas ang mga mambabatas. 2. Hindi na kailangang isulong o ipasa ang anti-dynasty law. Mga anak, wala nang pera sa basura este ... sa pulitika. 3. Mga tunay na public servants na lamang ang tatakbo tuwing election. Wala na kasing mananakaw. 4. Mawawala na rin ang vote-buying at hindi na makapag fund-raising. 5. Maibalik na muli 100% ang dangal at dakilang imahen ng "NGO" at ng mas nakakaraming kaparian. 6. Mababawasan ang pagpasok ng mga artista at boksingero at ng kanilang mga misis sa pulitika. Basta! 7. Lalakas ang party politics at titibay ang 2-party system. Mawawala ang personality politics. 8. Mas matino at maayos na ang mga proyektong pampubliko dahil wala nang cut ang politiko.
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 01:47:52 +0000

Trending Topics




© 2015