Age limit sa job application aalisin na (Bernard Taguinod) - TopicsExpress



          

Age limit sa job application aalisin na (Bernard Taguinod) Hindi na makikita ang “age qualification” na hinahanap ng mga employers sa isang aplikante dahil tatapusin na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ganitong uri ng diskriminasyon. Sa House Bill 268 na inakda ni Parañaque Rep. Eric Olivares o “Anti-Age Discrimination Act Of 2013”, itinuturing na isang uri ng diskriminasyon sa mga matatandang aplikante ang age requirement na hinahanap ng mga employers. Hindi lingid sa lahat na laging kasama ang age requirement tulad ng mula 25-anyos hanggang 35-anyos lamang ang edad ng pinapayagang mag-apply sa isang bakanteng posisyon sa isang kumpanya. Dahil sa ganitong sistema na ipinangangalandakan pa ng mga employers sa kanilang advertisement, laging dehado umano ang mga matatanda kahit mas magaling naman ang mga ito kumpara sa ibang aplikante. “The setting of arbitrary age limit regardless of potential for job performance has become a common practice. The incidence of unemployment, especially long-term unemployment with resultant deterioration of skill, morale and employer acceptability, is higher among older workers,” ani Olivares. Upang matapos na umano ang ganitong uri ng kalakaran, kailangang gumawa ng batas ang Kongreso para proteksyunan ang mga matatanda na gustong magtrabaho pero laging nai-itsa puwera dahil sa kanilang edad. “The bill further provides it shall be unlawful for an employment agency to fail or refuse to refer for employment, or otherwise to discriminate against any individual because of age, or to classify or refer for employment any individual on the basis of age,” ayon pa sa panukala. Naniniwala ang mambabatas na mas maraming matatanda ang magagaling pero hindi nagagamit ang talento dahil lamang lagpas na ang kanilang edad sa age requirement na hinahanap ng isang employer. Sinumanglalabag kapag naisabatas ang nasabing panukala ay mahaharap sa anim na buwan hanggang isang taong pagkakabilanggo at multang mula P100,000 hanggang P500,000. admin chiz
Posted on: Tue, 13 Aug 2013 17:43:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015