Akala mo naka-move on kana? Ganito tayo lagi eh. Yung hindi - TopicsExpress



          

Akala mo naka-move on kana? Ganito tayo lagi eh. Yung hindi sigurado kung naka-move on na ba talaga sa past. Yung tipong akala mo, okay na yung lahat. Akala mo nakalimot kana. Yung akala mo, masaya kana. Yung akala mo wala na siya sa puso mo yun pala nakatago lang sa pinakailalim. Yung akala mo handa kana ulit. Yung akala mo okay kana. Yung akala mo wala na yung pagmamahal mo sa kanya, na you’re totally over him/her. Akala lang pala lahat. Sa isang iglap, maiisip mo na lang na hindi kapa pala totally healed. Kasi nanjan pa rin yung konting kirot na dumadaan sa puso mo kapag naiisip mo siya, kapag naalala mo siya. Nakatago pa nga sa cellphone mo mga sweet convo niyo at binabalik-balikan mo pa minsan. Mga picture niyo, mga alaala niyong dalawa. Parang nanghihinayang ka kung bakit kayo humantong sa puntong nagkahiwalay kayo. Kapag may naririnig kang kanta na alam mong related sa inyo, siya agad maiisip mo, lahat ng memories, pumapasok nanaman sa isip mo. At biglang parang hindi ka makahinga kasi may sakit ka pang nararamdaman. Yung tipong kapag naalala mo siya, may pait na mga ngiti na gumuguhit sa labi mo. Deep down, kahit i-deny mo pa, kahit ayaw mo pero alam mo sa sarili mong may konting parte pa rin ng pagkatao mo na umaasa at naghihintay na sana bumalik siya, umaasa ka na sana ikaw na lang ulit, kayo na lang ulit. Umaasa ka pa na sana maayos niyo pa, na pwede pa. Kahit marami pang dumaan na iba sa buhay mo, alam mong siya lang ang minahal mo ng sobra, yung pinag-alayan mo ng lahat ng effort, iniyakan mo. Siya na yung ‘the best’. Siya lang yung naging mundo mo, naging lahat, lahat sa’yo. Siya lang, wala ng iba kaya parang mahirap makalimutan ng ganun na lang. Kahit nga may present relationship kana. Hindi mo minsan maiwasan na hindi siya maalala, hindi mo maiwasang maisip siya kapag wala kang ginagawa, inaalala mo nung kayo pa at naiisip mo minsan na paano kaya kung kayo pa hanggang ngayon? Oo, alam mong mali pero sadyang mahirap lang talaga kalimutan yung tao na nagbigay sa’yo ng napakaraming masasayang alaala. Akala mo naka-move on kana pero akala lang pala .
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 02:34:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015