Ako po ay lubos na nagpapasamat sa mga taong sumuporta sa - TopicsExpress



          

Ako po ay lubos na nagpapasamat sa mga taong sumuporta sa isinagawang proyekto na RELIEF GOODS OPERATION SA CEBU AT BOHOL nitong nakaraang Nobyembre 3 at 4. Ito ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng ibat-ibang samahan tulad ng ROTARY CLUB OF KAMUNING, AMNHSAA INC. (Arellano manila north high school alumni association incorporated), AHS 89 at YCAC (YUSECO COMMUNITY ACHIEVERS CLUB). Ang mga nagbigay ng tulong pinansyal ay ang mga sumusunod: Rotary club of KAMUNING P 25,500 AHS Class 64 P 9,147.50 Louie bee Beltran Arceo batch 89 P 5,000 Rolan Nano Reyes batch 89 P 5,000 Belen Limotan P 5,000 Kito Cay P5,000 Father Aaron Riomalos P1,500 Krehar Hardware P1,000 Nagpapasalamat din po kami sa mga taong nag-asikaso sa amin sa cebu at sa bohol. Sila ay sina Ate Elizabeth Herrera, hipag ko po, sya asawa ng pinaka matanda kong kapatid, Lovely Rachelle Herrera pamangkin ko, Darryl Herrera pamangkin ko, Ate Denden may-ari ng bahay sa cebu kung saan ay doon kmi nag repack ng mga relief goods.at sa kanyang mga kasambahay. Nagpapasalamat din po kami kay bohol vice-governor Dr. Conchita Lim, sya po ang nagpasundo sa amin sa port of Tagbilaran at naglibre ng aming pananghalian at kasabay nya na nananghali. Gayundin nman sa kanilang butihing Governor Edgardo Chatto na siyang sumalubong sa amin sa Metro center Hotel sa bohol. Muli ako po ay nagpapasalamat sa inyo at naway patuloy kayong pagpalain ng panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 19:19:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015