Ang MTIM Moments ay kaisa po sa ating mga kababayan na naiipit at - TopicsExpress



          

Ang MTIM Moments ay kaisa po sa ating mga kababayan na naiipit at naging biktima sa Zamboanga Crisis. Bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan, ang MTIM Moments ay maglulunsad ng #Relief #Drive #Operations na ang layunin ay makatulong sa ating mga kapatid na Muslim at Kristiyano na labis na nagdurusa mula sa nasabing kaguluhan. Tayo po ay nanawagan sa lahat ng mga may mabubuting kalooban na tumulong para sa proyektong ito. Bukas po ang MTIM Moments sa anumang klaseng donasyon gaya ng mga bigas, de-lata at noodles na halal, damit, bottled water, gamot, at iba pa. Maglalagay po ang MTIM Moments ng #Donation #Box sa MTIM Lounge sa may Second Floor. Anumang tulong ay malaki nang bagay para sa ating mga kababayang biktima ng kaguluhan sa Zamboanga.
Posted on: Thu, 19 Sep 2013 21:05:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015