BAKIT MAS MAINAM MAGNEGOSYO? Karamihan satin ay nangangarap na - TopicsExpress



          

BAKIT MAS MAINAM MAGNEGOSYO? Karamihan satin ay nangangarap na maging sarili nating amo. Yun nga lang hindi tayo hinubog sa ganuong pag-iisip. Mula sa ating pagkabata ay pinalaki na tayo sa kaisipang mag-aral tayo ng mabuti para balang-araw ay magkaroon tayo ng magandang trabaho na may maganda ring sweldo. Sinanay tayo sa ganuong mentalidad. At sa kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya ng buong mundo, marami ang natatakot mamuhunan. Marami ang natatakot sa idea ng pagkalugi. Hindi pwedeng maging empleyado lang tayo habambuhay. Kapag nagnegosyo ka, ikaw ang nagbibigay trabaho sa sarili mo, at ikaw din ang magbibigay hanapbuhay sa iba. Pwedeng ikaw ang gumawa ng sarili mong schedule ng pagtatrabaho, yun nga lang kelangan mong sagutin ang mga demands ng mga clients mo. Ikaw ang gagawa ng sarili mong house rules sa trabaho. Lahat ng bagay kontrolado mo. Masarap ang pakiramdam ng pagkakaroon at ang pagpapatakbo ng sarili mong negosyo. Napapagana mo ang mga plinano mong mga bagay para sa negosyo mo. At ang pagbibigay hanap-buhay sa iba at ang pagsasanay sa kanila para balang-araw ay magkaroon din sila sarili nilang negosyo ay isang malaking bagay. Sa pagnenegosyo, nakataya ang reputasyon mo kaya kelangan maging totoo ka sa mga sinasabi mo sa anumang oras. Ang buhay ay isang sugal. Nasa sayo yan kung tatanggapin mo ang paghamon ng buhay o kung makukuntento kang manatili ka na lang na empleyado. Pwede din namang isugal mo ang iyong kakayanan at magbakasakali. Alam naman nating ang buhay ay tungkol sa pagsunggab natin sa mga oportunidad na kakatok sating mga pintuan. Tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Ang bagay na wala tayong pera sa ngayon ay isang hindi magandang dahilan para hindi tayo umaksyon. Laging may paraan para magsimula. Imagination mo lang ang limit. Ang kapangyarihan ng iyong pag-iisip, idea, at ang iyong mga pangarap ay maisasakatuparan lang kung aaksyunan mo ang mga ito. Kung maghihintay ka lang sa kung anuman ang pwedeng ibigay sayo ng buhay ay walang mangyayari. Kelangan mong pagtagpi-tagpiin ang mga ideas mo at gawing katotohanan ang mga pangarap mo. Suungin mo ang kinabukasan mo, friend. Kung sino ang siyang naghahanap ng kanyang kapalaran ay siya ring makasusumpong ng kanyang kapalaran...
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 08:36:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015