BALITANG ABROAD 2: Hesukristo ginawang ‘becki’ sa stage play, - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD 2: Hesukristo ginawang ‘becki’ sa stage play, Simbahan palaban Haharangin ng Simbahang Katolika at kung kinakailangan umanong dalhin sa kalye para maipangalandakan ang pagtutol sa American stage play na Corpus Christi na naglala­rawan kay Hesus bilang isang becki. “Gagawin natin lahat ng legal means. Kung tayo ay handang mag-rally at magmartsa laban sa RH Law, lalo na ito dahil ang nakataya dito ang pagkatao, pagka-Diyos ng ating Panginoong Hesus, mas hihigit pa ba diyan na dapat ipagtanggol natin. Gagawin natin ang lahat ng legal, moral na kaparaanan para hadlangan ‘yan,” pahayag ni CBCP Episcopal Commission on Family and Life, executive secretary Rev. Fr. Melvin Castro. Sinabi pa ng pari na kala­bisan, paninira, pambabastos na iprisinta ang Panginoon at mga apostoles bilang mga gay men. “...hindi lang basta bakla pero active gay na nilagay nila sa konteksto ng Texas at pinalabas nila na kaya pala pinagtaksilan ni Judas si Kristo ay dahil sa jealousy at pagkatapos noon ay si Kristo ay kinasal pa ang dalawang apostoles niya, aba ito ay kabastusan na,” dagdag ni Fr. Castro.
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 01:39:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015