BALITANG ABROAD Nagpa-abort kulong nang 1-taon (Armida - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD Nagpa-abort kulong nang 1-taon (Armida Rico) Masuwerte pa rin maituturing dahil isang taon na pagkabilanggo lamang ang ipinataw na parusa ng korte sa isang Pinay na napatunayang nagpalag­lag ng anak at ibinaon pa sa dalampasigan ng Uni­ted Arab Emirates (UAE). Hinawakan ng Dubai Court of First Instance ang kaso ng isang 30-an­yos na Pinay na hindi tinukoy ang pangalan hanggang magbaba ng desisyon na isang taon na pagkakakulong dahil sa naghain siya ng apela bago pinag-aralan ng korte ang kaso. Base sa ulat, nakipagtalik ang Pinay sa kapwa niya Pinoy na hindi niya asawa gayong mahigpit itong ipinagbabawal sa UAE. Nang magdalantao at lumaki ang tiyan, pinalaglag ng akusado ang sanggol sa kanyang sinapupunan at inilagay sa kahon ng sapatos bago ibinaon sa buhangin sa Jumeirah Open Beach. Inamin niya sa korte na nakipagtalik siya sa nobyo hanggang mabuntis, subalit sinabi nito isinilang niya ang sanggol at hindi pinalaglag. Aniya mahinang-mahina ang kanyang baby nang kanyang isilang. Kinuwento pa rin niya na hinihingan sila ng ospital ng Dh26,000 bago gamutin ang kanyang sanggol. Inamin niya na wala silang pera ng kanyang nobyo kaya’t iniwan muna sa ospital ang anak at kinabukasan nang kanilang balikan ay patay na ang sanggol. Napilitan siyang ibaon sa buhangin ang kanyang sanggol dahil sa mahirap niyang kalagayan lalo pa’t nagtatago na rin ang kanyang nobyo. abante.ph/issue/aug0413/abroad01.htm
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 22:09:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015