BALITANG PINAS Pinsan kuno kerida pala, tinodas (Cherk - TopicsExpress



          

BALITANG PINAS Pinsan kuno kerida pala, tinodas (Cherk Almadin) Umakyat ang dugo sa ulo ng isang ginang kaya’t walang takot nitong kinalawit at winasiwas ang leeg ng kerida ng kanyang mister na pinagpanggap pang pinsan ng huli nang maaktuhang magkasiping ang dalawa sa kanila mismong bahay sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng madaling-araw. Pero sa halip na makasuhan ang nanlokong mister na kinilalang si Aries de Guzman, 32, ng J.P. Rizal St., Maypajo, Caloocan City ay ang misis na si Elvira de Guzman, 40, ng nasabi ring tirahan ang nakasuhan at nakalaboso dahil sa kamatayang sinapit ng umano’y kerida ng kanyang mister na si Maria Luisa Gumatay, 25, tubong-Samar, Leyte. Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 King Baustista ng Caloocan City Police na alas-dos ng mada­ling-araw nang maganap ang paggilit sa leeg ng biktima. Bago umano ang nangyaring krimen ay nadatnan ng ginang sa kanilang inuupahang bahay ang biktima at mga kaibigan habang nakikipag-inuman. Agad umanong inutusan ang ginang ng kanyang asawa na magbukas ng de-latang pupulutanin at nang matapos ay nagpahinga at nakatulog. Nang magising ay wala pa rin ang kanyang asawa sa kanilang higaan kaya hinanap nito. Pero napansin nitong hindi naka-lock ang pinto na tinutuluyan ng pinsan umano ng kanyang mister kaya’t pumasok ito at laking gulat nang makitang magkatabing natutulog ang asawa at pinsan nito na kapwa walang pang-ibabang saplot. Pinagsasampal nito ang asawa dahilan upang magising ito at nagising din ang biktima at nagmamalaking pa umano nitong sinabi sa mister ng ginang na “aminin mo na sa kanya na tayo at hindi mo ako pinsan .” Nang marinig ito ng suspek ay nagpanting ang kanyang tenga at kinuha sa kanilang kusina ang isang kutsilyo saka walang habas na iwinasiwas sa leeg ng biktima. OH MY GUSHH Sweetepie@
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 03:11:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015