BF: Babe, saan ka galing? GF: Ah nagshopping lang with my - TopicsExpress



          

BF: Babe, saan ka galing? GF: Ah nagshopping lang with my girlfriends. BF: Bakit gabi ka na umuwi? GF: Sobrang nagenjoy eh. Hindi namin napansin ng oras. BF: Pero babe, sarado na ang mga mall kanina pa. Gf: So anung gusto mong iparating? na sinungaling ako? Bf: Hindi naman sa ganon. Nag aalala lang ako sayo. Gf: Pagod na ako. Umuwi ka na sa inyo. Bf: Oh sige. Magpahinga ka na. Mukhang napagod ka talaga. (nakalimutan mo bang anniversary natin ngayon?) Lumabas si bf sa bahay ni gf. Sandali muna syang naupo sa labas. Nalulungkot pa rin sa nangyari. GF: (On the phone) hello. Uy salamat kanina ha. sobrang nag enjoy ako sa date natin. BOY: Good. So kelan mo ko sasagutin? GF: Hmmm.. alam mong may boyfriend ako di ba? BOY: Eh sabi mo hindi ka na masaya. So bakit ka pa magsstay sa kanya? GF: May point ka. uhm.. bukas na bukas kakausapin ko na sya. Makikipagbreak na ako. BOY: Tawagan mo ko agad pagkatapos nyong ag usap. GF: Sure. goodnight. Kinabukasan.. GF: (Thru phone call) I have to tell you something.. BF: Ineng, mommy nya to. Kung anuman ang sasabihin mo sa kanya, huli ka na. GF: Po? ano po bang nangyari? Mommy ni BF: (Crying) Naaksidente sya kahapon hanggang sa mag 50-50. At kaninang umaga lang, tuluyan na syang nagpaalam. Kahapon ka pa namin sinusubukang tawagan pero hindi ka namin macontact. Nakakaawa naman ang anak ko. Hindi man lang nya naibigay sayo itong mga bulaklak na para sa anniversary nyo kahapon. May singsing din na nakuha sa bulsa nya. Balak na siguro nyang pakasalan ka. Dadalhin na namin sya sa Chapel. Sumunod ka na lang iha. GF: Sorry po.. sorry.. (Call ends) Nagtext si Boy.. BOY: Hi. Im sorry to tell you this pero.. kailangan ko ng magpaalam sayo. Gusto kita pero hindi pala pwedeng maging tayo. Sorry pero.. kasal na ko..
Posted on: Sun, 01 Dec 2013 06:47:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015