Bakit ka nasasaktan sa pag-ibig. ASSUMING KA - Akala mo - TopicsExpress



          

Bakit ka nasasaktan sa pag-ibig. ASSUMING KA - Akala mo gusto/mahal ka rin niya. Akala mo okay na ang lahat. Akala mo magiging masaya. Akala mo mutual kayo ng nararamdaman. Akala mo ‘more than friends’ na ang tingin nya sa’yo. Puro ka akala. Anong napala mo? LESS EXPECTATIONS, LESS DISAPPOINTMENTS. Kaya wag assuming. :) UTO UTO KA - Naniniwala ka sa lahat ng sinasabi niya. Mga promises, mga lambing, mga kwento, LAHAT. May mga taong hanggang salita lang. Wag ka masyadong confident na totoo yung sinasabi niya. DIYOS lang ang hindi nagsisinungaling. YOU CHOSE THE WRONG PERSON - Magmamahal ka na nga lang, yun pang taong alam mong walang pag-asang kayo ang magkatuluyan. Yung tipo bang isang milagro pag naging kayo. At yung masasabi nilang.. "She/He is out of your league." Isip isip din bago magmahal, HINDI PWEDENG PURO PUSO ANG PINAPAIRAL. NAGPAPAKA-BAYANI KA - Yung sobrang sakit at hirap na. Yung alam mong hindi ka na magiging masaya. Pero nagpapakatanga ka parin. Ayaw mo paring bumitaw kahit talagang napakahirap na. Ano yan?! Tatlong Paring Martyr ang peg?! Gaya nga ng sinabi ko sa 3rd bullet. “Hindi pwedeng puro puso ang pinapairal". LET GO AND BE HAPPY. Isang bagay lang naman ang kailangan diyan e. Acceptance. Mahirap sa una, but if you accept the fact na hindi na dapat ipagpatuloy pa kung anong meron sa inyo, or hindi na dapat ipagpatuloy pa yung nararamdaman mo para sakanya. Mas madadlian ka mag move-on. #OMG_MEjo may tama na ako :((
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 07:21:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015