Bawal na ang singit! (Bernard Taguinod) Iginiit ng ilang - TopicsExpress



          

Bawal na ang singit! (Bernard Taguinod) Iginiit ng ilang mamba­batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal na sa mga kongresista na magsingit ng kanilang proyekto sa pondo ng mga ahensya ng gobyerno. Ginawa nina CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna at Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares ang nasabing pahayag kasunod ng ulat na posibleng hindi mula sa pork barrel galing ang P66 milyong pondo sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) kundi sa congressional insertion. Ang congressional insertion ay iba sa pork barrel ng mga mambabatas kung saan nagsisingit ng proyekto ang mga mambabatas gamit ang pondo ng isang ahensya. Nangyayari ito sa panahon ng deliberasyon sa national budget sa Kongreso. “Dapat ay ipagbawal na. Ang trabaho po ng mga mambabatas ay gumawa ng batas, hindi mag-insert ng pondo sa budget. Trabaho po ‘yan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” ani Tugna.
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 09:10:01 +0000

Trending Topics




© 2015