Bitay K KA LNG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) | - TopicsExpress



          

Bitay K KA LNG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 5, 2013 WALA nang nagawa ang gobyerno para pigilan ang pagbitay sa Pilipinang drug mule sa China. Itinuloy ng China ang pagbitay sa Pilipina noong Miyerkules ng umaga. Hiniling ng pamilya na huwag ilabas ang pangalan ng binitay. Nahuli siya sa Hangzhou international airport na may dalang anim na kilong heroin noong Enero 2011. Nahuli rin umano ang kanyang pinsang lalaki na ganundin ang dala sa kanyang bagahe. Ayon sa ulat ng mga otoridad sa China, 18 beses siya umano bumiyahe ng China na may dalang iligal na droga. Ang kanyang pinsan ay nabigyan ng dalawang taong pagpapaliban ng pagbitay. Ayon sa DFA, higit 200 Pilipino ang nakakulong ngayon sa China dahil sa iligal na droga. Dalawampu’t walo ang sinentensiyahan na ng bitay at ang iba ay mabibilanggo nang habambuhay. Kaya 28 beses pa tayong makakabalita na may binitay na Pinoy sa China. Dalawampu’t walo pang pamilyang Pilipino ang maghihinagpis at magluluksa para sa kanilang mahal sa buhay. Dahil sa iligal na droga.Ano pa ba ang kailangan, para maintindihan na ang pagiging isang drug mule ay walang magandang kahihinatnan. Kung maging matagumpay man sa una o ilang beses pa, ang kasakiman sa perang pinansilaw ay magiging mitsa ng buhay. Katulad nga nitong kaso, na 18 beses daw nagdala ng droga sa China. Malamang ay natuwa sa perang ikinita sa pagiging drug mule, at inulit nang inulit ang krimen, hanggang sa nahuli. Ano ngayon ang magagawa ng lahat ng perang ikinita, kung wala na sa mundong ito? Para sa pamilya, na ngayo’y nais magtago na lang mula sa buong bansa dahil sa sinapit ng kanilang kamag-anak? Hindi pa alam ang magiging tadhana ng 28 Pilipino na nasa death row. Medyo sensitibo pa naman ang relasyon ng bansa ngayon sa China, kaya naiisip ko na hindi sila mag-aalinlangang ituloy ang mga pagbitay. Kaya sana, iwasang maakit ng mga sindikato para maging drug mule. Parang droga rin ang madaliang pera. Kapag nakatikim ng unang tagumpay, hindi na makatanggi sa mga susunod. At kapag naging adik na, diyan na dumarating ang mga masasamang problema. >mariposa
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 06:15:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015