Bulilyaso! (Pauline Grace Poblete) Bulilyaso ang aktong panghoholdap ng dalawang kalalakihan sa isang binata nang mapadaan ang isang pulis na naging dahilan upang maaresto ang dalawa kamakalawa ng umaga sa Cubao, Quezon City. Arestado ang suspek na sina Joven Dumaraog y Serrona, 36, may-asawa at Hermon Perez y Tamayo, 28, walang asawa, kapwa taga-MuntinlupaCity. Sa salaysay ng biktimang si OrlandBautista, naglalakad umano siya dakong alas-4:45 ng umaga nang lapitan ng dalawang suspek at tutukan ng kutsilyo sa bahagi ng EDSA sa Cubao, QC. Tiyempo namang napadaan si SPO2 Apolonio Basit at tatlo panitong mga kasama na lulan ng isang pribadong sasakyan kung saan ay kitang-kita nito mula sa northbound lane ng EDSA kung paano kinukuha ang iPhone 4S ngbiktima na nagkakahalagang P20,000. Hindi na nagawang makatakbo ng mga suspek nang isa-isa nang magsibabaan ng sasakyan sina Basit kasama ang tatlo pang kasamahan at isinumbong ng biktima na siya ay hinoholdap dahilan upang bitbitin ang dalawang holdaper sa presinto. =manhid=
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 04:58:25 +0000
Trending Topics
Recently Viewed Topics
© 2015