DAILY HOROSCOPE Hulyo 25, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star - TopicsExpress



          

DAILY HOROSCOPE Hulyo 25, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 25, 2013 Pagtitibay: Tinatanggap ko si Kristo Hesus bilang aking buhay na Diyos at tagapagligtas. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Kung may gustong sabihin, walang dahilan na tumahimik, bumulong-bulong sa sarili o ikuwento sa iba. “This is a free country” at bawat isa ay may karapatan na bigkasin ang niloloob, maliban ang labag sa batas. Sabihin ng direkta sa kinauukulan nang walang patumpik-tumpik ang sadya o kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 30, 40 at tangerine. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Bagaman may alinlangan kang simulan ang naisip, ituloy dahil magtatagumpay ka basta hindi labag sa batas ng Diyos at tao. Kung negatibo ang isip, negatibo ang resulta. Kaya laging isaisip ang positibo sa lahat ng gawain. May sisisihin kang tao dahil sa kapalpakang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 39, 42 at sky blue. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Walang masama sa katangiang mabait at matulungin pero isang pagkakamali kung ibibigay ang tulong sa taong hindi karapat-dapat. Mag- ingat dahil malapit ka sa mga taong mapagsamantala, mandaraya at manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 33, 42 at white. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Kung magmamaneho ng sasakyan, mag-ingat sa aksidente o maaaring ikaw ang maka-aksidente. Kung nagtatrabaho na ang hawak ay matatalas o matutulis na bagay, lubos na pag-iingat ang gawin. Kung palaging nakaupo ang trabaho, iindahin ang sakit ng beywang at balakang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 33, 41 at violet. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Gagasto ka ng ilang oras sa pagpila kung may follow-up o mag-a-apply ng trabaho. Kung medyo may sikat na ang araw, lumakad ng maaga. Maraming aberyang mangyayari kung may lalakarin kaya hangga’t maaari ipagpaliban. Kung ang lakad ay importante tumulak bago sumikat ang araw. Lucky numbers at color fdor the day ay 7, 19, 26 27 at green. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — May kinakasabikan kang makitang tao o resulta ng pinapagawang trabaho. Huwag malungkot dahil may kapalpakan ang inaasam-asam. Sadyang ganun, nilalayo ka lamang ng iyong “guardian angel” sa hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 15, 44 at gray. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Ang iyong nakahiligan ay hindi tugma sa iyong kalusugan at dapat baguhin. Kung ang hilig ay oily foods o junk foods, bawasan o putulin. Kung ang hilig ay sobrang tamis at alat, bawasan. Kung ang hilig ay sobrang paninigarilyo at sobrang inom ng alak, panahon na para putulin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 19, 34 at red. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Bibigay ang kalusugan kung kulang sa pagpapahinga. Gulay at prutas ang kailangan. Kung sobra ang timbang, diet at ehersisyo ang kailangan. Sarili ang magdudusa kung hindi paiiralin ang disiplina tungkol sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 24, 36 at orange. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Usisain mo ngayon ang iyong sarili kung tama o mali ang iyong ginagawa. Ang buhay ay hiram lamang na kahit anong oras ay maaaring bawiin ng Maykapal. Tanging ikaw lamang ang makakasagot sa sariling katanungan. Ang mahalaga ay hindi pinapabayaan ang responsibilidad at maligaya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 24, 40 at peach. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Maaaring hindi nila nakikita ang kagandahan at kabutihan ng iyong pagkatao. Ang mahalaga ay harapin ang mga pagsubok sa buhay. Wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba basta’t tiyak mo na wala kang ginawang labag sa batas ng Diyos at tao. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 25, 35 at maroon. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Kung tutuusin, mahusay mong magagampanan ang iyong tungkulin at malapit ka sa bossing. Nang dahil dito may mga kasamahan kang putok ang butsi sa inggit. Huwag patulan ang anumang maririnig na tsismis na ipinapakalat laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 38, 44 at pink. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Maaangat mo ang sarili na hindi tumutuntong sa balikat o ulo ng kapwa. Ang anumang gagawin o nagawa sa kapwa ay siya ring gagawin sa iyo. Kung gustong umangat, sunugin ang kilay sa pag-aaral. Sipag at tiyaga ang kailangan. lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 21, 41 at brown. winkz
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 04:52:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015