DAP IPAGLALABAN NG PALASYO! Handang ilaban ng palasyo ng - TopicsExpress



          

DAP IPAGLALABAN NG PALASYO! Handang ilaban ng palasyo ng Malacañang ang constitutionality ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na kinukuwestyon ngayon sa Korte Suprema. Ito ang tiniyak ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte matapos kuwestyunin sa Kataas-taasang Hukuman ang nasabing pondo na ang bahagi nito ay ginamit sa dagdag na pondo ng mga senador at congressmen. “If they believe in that strongly enough or that they believe in the correctness of the position then we will meet any challenges head on,” pahayag ni Valte sa press briefing kahapon. Nabatid sa opisyal na hanggang kahapon ay wala pang natatanggap na kopya ang Office of the Solicitor General (OSG) ukol sa petisyon sa SC na kumukuwestyon sa constitutiona­lity ng DAP subalit handa umano nila itong ilaban. “But rest assured that the Solicitor General will be ready to defend the position of the Executive. We are confident that we can ably defend the position on the creation as well as the use of the Executive of the DAP,” ayon pa kay Valte. DAP mababa na Samantala, sinabi din ni Valte na mababa na ang savings ng gobyerno ngayon dahil ginagastos na ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang pondo kaya bawas na rin ang pondo ng DAP. “It has lessen conside­rably. The amount that is involved has lessen considerably than what it was in 2011, primarily because yes, spending has picked up,” ayon kay Valte. Kaya lamang umano lumaki ang DAP noong 2011 ay dahil sa pagrerepormang ginawa ng admi­nistrasyon na naging dahilan kaya nagkaroon ng savings ang pamahalaan. Noong Oktubre 2011 ay umaabot sa P72.11 bilyon ang savings ng gobyerno at bago natapos ang taon ay umakyat ito sa P85.5 bilyon na siyang ginamit sa DAP para mapabilis (accelerate) ang paggastos ng pamahalaan. “If you look at the year-on-year figures that are released, the public spending has picked up, as well as the economy. Remember that when this was launched, our GDP was in the threes (percent) in 2011. Noong pumasok po ‘yung 2012, there was also a big improvement when it came to the GDP,” ani Valte dahil napabilis ang paggastos dahil sa DAP. Power ng Ehekutibo kokontrolin Napapanahon na umanong isulong ang mga panukalang batas na kokontrol sa authority ng Ehekutibo partikular sa pag-impound ng mga pondo na minarkahan nang tsek ng Kongreso. Ito ay sa gitna ng pagsi­ngaw ng diumano’y kuwestyonableng paggamit ng DAP kaya naman umaapela ang Akbayan kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na sertipikahang urgent ang mga nakahaing panukalang batas na magrerenda sa kapangyarihan ng Ehekutibo sa pag-impound ng mga pondong inaprubahan na ng Kongreso. Batay kay Akbayan Rep. Barry Gutierrez, hinog na ang pagsasabatas ng Savings and Augmentation bill at Impoundment Control bill. Nakapaloob sa Impoundment Control bill ang pag-regulate sa power ng Ehekutibo na i-defer, ipawalang bisa o ireserba ang paggastos sa kabila ng pagsang-ayon ng Kongreso. =chen=
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 22:25:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015