DZMM: Aabot na sa P12-M ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong - TopicsExpress



          

DZMM: Aabot na sa P12-M ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong Labuyo sa Aurora pa lamang. Ayon kay OCD spokesman Balido, posibleng tumaas pa ito dahil may mga lugar pang hindi naabot ng kanilang mga tauhan. Kabilang sa mga napinsala ay ang halos 600 mga kabahayan. Nasira din ang dalawang school buildings sa Dinalungan, Aurora habang 27 pamilya na ang inilikas doon. Ayon kay Balido, hindi na rin madaanan ang Dinalungan-Casiguran Road at Ditawini-Borlongan Road. Hirap pa rin ang mga residente roon sa komunikasyon dahil sa kawalan ng kuryente.
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 05:00:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015