Department of Education Region X Division of Misamis - TopicsExpress



          

Department of Education Region X Division of Misamis Oriental TAGOLOAN COMMUNITY COLLEGE Baluarte, Tagoloan, Misamis oriental LESSON EXEMPLAR Sa FILIPINO 1 Pangkalahatang pamanatayan para sa unang taon: Naipapamalas ng mga mag-aaral sa una (sariling wika ng rehiyon) at pangalawang wika (Filipino) ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari nag gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal upang maipagmamalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t ibang kulturang panrelihiyon. UNANG MARKAHAN: PABULA ARALIN 1: A. Mahalagang Elento ng Pabula -Banghay (Lalapindigowa-i: Kung bakit maliit ang beywang ng putakti) B. Mga Bahagi ng Pangungusap BILANG NG ARAW/SESYON: 4-5 Araw KAKAILANGANING PAG-UNAWA PARA SA ARALIN: - Payak lamang ang banghay ng pabula subalit ito’y mayroong simula, gitna, at wakas na kailangang magkakasunod at magkakaugnay upang maging kapanipaniwala ang mga ito. - Ang kasanayan sa pagbuo ng mga pangingisap sa may paksa /simuno at panaguri ay nakatutlong upang maging mahusay na tagapagsalita ang isang tao. MAHAHALAGANG TANONG PARA SA ARALIN: - Bakit sa kabila ng pagiging payak ay kinakakailangang maayos at magkkakaugnay-ugnay ang banghay ng pabula? - Bakit kailangang maayos ang paglalahad ng mga pangungusap, pasalita man o pasulat? NAUUNAWAAN NG MAG-AARAL ANG: A. Panitikan Mahalagang Elemento ng Pabula-Banghay B. GRAMATIKA/ Retorika Mga bahagi ng pangungusap : a. Paksa o simuno o Payak na simuno o Buong simuno b. Panaguri o Payak na panaguri o Buong panaguri ANG MGA MAG-AARAL AY: - Nakapagsusunod-sunod ng mga ginulong pangyayari ng isang pabula - Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at magkakaugnay-ugnay na banghay ng pabula - Nakabubuo ng maayos na mga pangungusap - Nakasusuluat ng alinman sa simula, gitna o wakas ng isang pabula ANTAS 2 INAASAHANG PAGGANAP: Pagsulat ng alinman sa simula, gitna o wakas ng pabula PAGPAPATIBAY NG ANTAS NG PAG-UNAWA: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng banghay bilang isa sa mga element ng pabula. Krayterya: makatotohanan;napapanahon; may mga patunay; napangangatwiranan ang mga patunay Paglalahad ng sariling pananaw hinggil sa nagging simula, gitna o wakas ng pabula.
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 05:34:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015