Eto pa onli in the PHILIPPINES... SQUATTER or Informal Settlers - TopicsExpress



          

Eto pa onli in the PHILIPPINES... SQUATTER or Informal Settlers pinaganda pa kasi daw pangit daw pag SQUATTER nakakasakit daw ng feelings. Di na nga nagbabayad upa, libre pa sa kuryente at tubig, di pa nagbabayad ng TAX o AMILYAR mga demanding pa, ano na naman ang dahilan kasi kesyo mahirap sila, walang pera, walang trabaho, lahat wala susme naman kung lagi nalang idadahilan ang kahirapan para gumawa ng kasalan eh hala wag na tayo lahat sumunod, kasi lahat naman tayo mahirap. Bibigyan ng pabahay, libre sa isang taon ang bayad tapos after 1 year 200 pesos lang kada buwan ang bayad for 25 years sa kanila na ang bahay ABA nagrereklamo pa, kesyo malayo, kesyo walang tubig, walang kuryente. Ano bayan kala ko ba mahirap kayo bakit kayo nagdedemand ng mga ganun, binigyan na nga kayo ng bahay gusto nyo pati ikabubuhay nyo proproblemahin pa ng pamahalaan. Buwis na nga ng mga may trabaho ang gagamitin para sa bahay ninyo gusto nyo pati ikabubuhay nyo iaasa nyo pa sa gobyerno, sobra na ata yun magbanat banat naman kayo ng buto, kayo na nga lang nakikinabang sa BUWIS na ibinabayad namin demanding pa kayo. Tapos magkakalat magbabarikada pa kayo sa kalsada pag papaalisin na kayo ayos talaga.... Mahirap pero may jeep, may tindahan, may naka aircon, kumpleto sa gamit, may TV, may ref, may nagpapaupa, yan ba ang walang pera, di na nga kayo nag babayad ng buwis o upa kayo pa ang matatapang, Kaya nga dapat sa susunod na ELEKSYON ang dapat lang bumoto yung nag babayad ng Income TAX para hindi inaalagan ng mga pulitiko ang mga squatters na pang hatak nila ng boto.....
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 10:34:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015