Gloria inilaglag ni Ermita Isa pang miyembro ng gabinete ni - TopicsExpress



          

Gloria inilaglag ni Ermita Isa pang miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang naghugas-kamay sa pagkakasangkot sa Malampaya fund scam. Ayon kay dating Exe­cutive Secretary Eduardo Ermita, ang naging papel lang niya sa paglabas ng Malampaya fund ay ang nilagdaang memorandum sa noon ay Budget Secretary Rolando Andaya Jr. para atasan itong maglabas ng pondo. Aniya, wala na siyang ideya kung paano ginastos ng implementing agency ang pondo na nakalaan sana sa mga biktima ng bagyong ‘Ondoy’ at ‘Pepeng’ noong 2009. “I have no knowledge how this was supervised at the agency that received the fund. I just emphasize among my job as executive secretary is to relay presidential instructions to the appropriate Cabinet secretary,” paliwanag ni Ermita sa ABS-CBN kahapon. Sina Ermita, Andaya at dating Pangulong Arroyo ay hindi binanggit ng mga whistleblower sa Malampaya fund scam, pero idinawit naman sila ni Justice Secretary Leila de Lima dahil sa minada­ling pag-iisyu ng Executive Order No. 848 na nagpahintulot sa Pangulo para gamitin ang Malampaya fund. =chen=
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 22:30:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015