HINDI KO KAYANG MAWALA KA! Nina Nonnie Ferriol at Mary Lou - TopicsExpress



          

HINDI KO KAYANG MAWALA KA! Nina Nonnie Ferriol at Mary Lou Balbin Ang pagiging broken hearted ang umano’y itinuturong dahilan upang tuluyang kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido ng isang lalaking negosyante na natagpuang malamig nang bangkay sa loob mismo ng kanyang kotse sa Mandaluyong City kahapon. Dakong alas-9:10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Andre Velasco y San Vicente, 49, binata, nakatira sa Unit 36, Cluster I, San Francisco Garden, Boni Ave., Brgy. Itaas, ng nasabing lungsod. Lumilitaw na mismong ang pamangkin ng biktima na si Richard Velasco, isang balikbayan ang nakadiskubre sa bangkay ni Velasco sa loob ng kotse nito na nakaparada sa basement park ng San Francisco Garden, base na rin sa inisyal na report kay Sr./Supt. Florendo Quibuyen, hepe ng Mandaluyong City Police ni SPO1 Ferdinand Ortiz, hepe ng Tactical Ope­ration Center (TOC). Nakasubsob sa manibela ng kanyang itim na Nissan Patrol na may plakang WGJ-752 ang biktima at may isang tama ng punglo sa kanyang kanang sentido mula sa .40 glock na kalibre ng baril, batay na rin sa imbestigasyon ni SPO1 Marlon Climacosa, ng Criminal Investigation Unit (CIU). Sinabi ni SPO1 Climacosa, na base umano sa naging pahayag ni Richard Velasco, posibleng ang pagiging broken hearted ng kanyang tiyuhin ang na­ging dahilan kung bakit nagawa nitong tapusin ang kanyang sariling buhay. “Ayon kay Richard, iyong pamangkin ng biktima, nag-break daw kasi ang tiyuhin niya at ang girlfriend nito. Ang gf daw ng biktima ay kasamahan niya rin sa kumpanya, isang private company,” ayon pa kay SPO1 Climacosa. Magmula umano noon ay hindi na bumalik sa kanyang tirahan ang biktima hanggang sa madiskubre na lang ito kahapon ng umaga ni Richard. Tiniyak naman ni Sr/Supt. Quibuyen, na isasailalim pa rin sa masusing pagsisiyasat ang insidente upang matiyak na walang naganap na foul play. abante.ph/issue/jul2013/crimes01.htm
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 05:50:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015