High School Love Story (tagalog) short story COMPLETED Noong - TopicsExpress



          

High School Love Story (tagalog) short story COMPLETED Noong ako ay nasa high school pa. Ako ay isang varsity ng basketball sa aming paaralan ng Letran Ngunit sa aking pagiging isa sa mga popular na estudyante ay may ugali ako na hindi kanais nais sa isang mag-aaral. Ang pangalan ko nga pala ay si Andrei Cuenca ako ay nasa pangkat una section ng Mabini. Sa aking pag-aaral naman ako ay isang top student at ako rin ay kilala bilang isa sa mga heartthrob sa aming paaralan kaya marami ang nagkaka- gusto sa akin. Palagi akong napapagalitan ng aking guro dahil sa aking mga hindi kaaya ayang asal noong ako ay nasa elementarya pa. Noong first day ng klase ay may nakilala akong isang babae na nag ngangalang Jasmine Reyes siya ay nasa unang pangkat section Mabini kami ay kapwa kamag-aral. Ngunit siya ay isang transfer student sa aming paaralan. Una lagi ko siyang naasar dahil siya ang una kong nakatabi sa aming classroom lagi ko siyang inaasar at tinutukso, kahit anong anong tukso ko sa kanya ay hindi lamang siya gumaganti dahil nung una pa lang niya ako nakita ay nagka gusto na siya sa akin pero hindi lang niya sinasabi dahil baka masaktan ko lang daw siya pero ang totoo ay may pag tingin din ako sa kanya kaso ang pagmamahal ko sa kanya ay dinadaan ko nalang sa pag biro at pang aasar dahil ang nasa isip ko ay saktan niya din ako. Dahil marami ang nanliligaw sa kanya na mabaet, mapag-mahal at mas deserve pa saakin... Isa na dun ang pinaka matalik kong kaibigan na si John Arvin Santos ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nag dalawang isip ako na ligawan siya kaya nag hanap nalang ako ng mas deserving para sa akin kaso ako ay nahirapan mamili dahil sa tuwing nakaka kita ako ng ibang babae ay siya kaagad ang tumatakbo sa isip ko. Lumipas ang mga araw ay nakahanap na rin ako. Ang kanyang pangalan ay Tricia Liamzon hindi ko siya gaano kamahal katulad ng pagmamahal ko kay Jasmine kaya ako ay nakipag break sa kanya at nalaman ko na sina Jasmine at Arvin ay mag syota na kaya akoy nasaktan at napilitan ng lumayo at lumipat ng paaralan. Pagkalipas ng 3 taon ay bumalik ako sa Letran at nalaman kong hiwalay na si Jasmine at Arvin 2 taon ng nakakalipas dahil daw nakita ni Jasmine na nakikipag halikan sa iba si Arvin. Kaya ng nalaman ko ay agad na akong nagalit kay Arvin ng palihim dahil sinaktan niya ang babaeng hinhintay ko sa mahabang panahon.... ..... Lumipas ang mga araw na iyon at sumapit na ang JS Prom at hinihintay ko na yayain ako ni Jasmine na maging ka-partner niya sa Prom. Gayun din siya naghihintay na tanungin ko bilang aking partner ngunit ako ay may kahinaan sa babae lalo na sa babaeng gusto ko pero ng lumakas ang aking loob na tanungin ko siya ay bigla ko nalang nalaman na mayroon napala siyang ka-partner walang iba kundi si Arvin... kaya naisipan ko nalang na hindi na dumalo sa JS Prom para hindi na ko masaktan na nakikita silang magkasama..... After 5 years...... ay nagkaroon kami ng reunion buong mag-kaka klase. At sinabi ko sa isip ko na FOR ALL THIS TIMES KAYA NGAYON NAKO MAG TAPAT SA KANYA ..... ng papunta si Jasmine sa venue ng reunion ay bigla na lang bumangga ang kanyang kotse sa rumaragasang malaking dump truck.... At may nag balita na sinugod raw si Jasmine sa hospital at sabi ng doctor siya ay DEAD ON ARIVAL na. hindi ko mapigil ang mga luhang rumaragasa sa aking mga mata.... May inabot ang doctor na isang papel sa aking kaibigan para daw saakin galing kay Jasmine at ang nakasulat dun ay: Dear Andrei, Noong una pa lang kita nakita ay nagkagusto na ako sa iyo pasensya ka na at hindi ko na sabi sa iyo kaagad dahil natakot ako na baka saktan mo lang ako. Alam ko naman na hindi ka magka-kagusto sa akin dahil marami ang may gusto sayo na mas maganda at matalino. Pero kahit anong mangyari mamahalin pa rin kita ng walang hanggan. Pag may problema ka tandaan mo lang nandito lang ako sa tabi mo at hindi kita iiwan , kahit may mahal ka ng iba mag hihintay lang ako sa iyo kahit gaano katagal. Mahal na Mahal kita
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 04:09:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015