IAPAgasat ita nga aldaw - July 14, 2013 Pagtitibay: Makakadirekta - TopicsExpress



          

IAPAgasat ita nga aldaw - July 14, 2013 Pagtitibay: Makakadirekta ka sa Diyos, sa pamamagitan ng taimtim na panalangin. Gawin ito sa bawat sandali. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Gugulatin ka ng isang kaibigan, kamag-anak o kasamahan sa trabaho kung ito ay ikakatuwa, ikakaligaya o ikakalungkot, panahon lamang ang makapagsasabi. Ang mahalaga ay maging handa sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 35, 39 at indigo. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Taurus ang makikilala ngayon, tiyak magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o mangungutang. Lucky numbers at color for the day ay 19, 22, 33, 40 at red. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga na magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 23, 30 at orange. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Walang tao na hindi naghahangad ng kaunlaran sa buhay at upang matamo ito, baguhin ang mga maling paraan at patakaran. Alam ng sarili kung ano ang dapat baguhin, aksiyon ang kailangan para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 22, 27, 39, 44 at green. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung may duda, huwag ituloy dahil tiyak hindi maganda ang magiging resulta. Kung tiyak ang gagawin, ituloy dahil positibo ang kalalabasan. Malakas ang iyong ESP ngayon kaya ito ang magiging batayan para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 1, 26, 30, 40 at blue. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung nagkaroon ng problema, alamin ang dahilan kung bakit nangyari. Agad baguhin ang paraan para hindi na maulit. Tutukan ang solusyon sa problema at kung hindi kaya ay kumunsulta sa psychic para magkaroon ng tamang gabay at tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 25, 37 at sky blue. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nakapaligid ang mapagsamantala, mandarambong at mapagbalat-kayo. Mag-ingat dahil ang mga ito ay malapit sa iyo ngayon. Maging alerto at mapagmasid para hindi maloko o mapagsamantalahan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 33, 40, 41 at neon green. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Pairalin ang hinahon at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 32, 33 at red. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang paglilibang ay makakapagdulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 20, 39, 40, 42 at aqua blue. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag gaanong maghangad kung alam na imposibleng mangyari. Hindi ka maaaring makarating sa pinakatuktok kung hindi ka magsisimula sa pinaka-ibaba. Plano, sipag at tiyaga ang kailangan para makamit ang hangad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 9, 39, 41 at brown. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawa mong makumbinsi kahit na makulit o makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Taglay ang sigla pero madaling mapikon at magiging mainit ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Ang mapagpasensya ay daan para mapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow.
Posted on: Sun, 14 Jul 2013 03:49:35 +0000

Trending Topics




© 2015