Im really dissapointed sa mga kapwa ko insurance agent na hindi - TopicsExpress



          

Im really dissapointed sa mga kapwa ko insurance agent na hindi sumusunod sa patakaran ng code of ethics ng Insurance Commision para sa aming mga lisensyadong insurance agent at sa mga kompanya na tinotolerate ang ganitong pamamalakad na hindi tama.Hanggat walang walang sisita, patuloy nila itong gagawin hanggang sa makasanayan na manahin pa ng ibang agent ang ganitong attitude. Tama po ba na pilitin at kulitin ang mga kliyente na kumuha ng Life Insurance?Dahilan ng ahente huwag na nilang palampasin dahil yun na lang ang araw ng deadline,anong magagawa ng kliyente para lang hindi makukulitan at makaalis na siya kumuha siya ng Life Insurance at nagbayad gamit ang credit card.Kung titingnan walang mali ang kliyente dahil kumuha siya ng Life Insurance at ano ang alam ng kliyente sa Code of Ethics ng mga Insurance Agent.Mali pa din ang ahente kahit saan mo tingnan,tama ba na pilitin mo ang kliyente na kumuha ng Life Insurance at ayaw niyang paalisin hanggat di kumukuha, dahil alam niyang may kaya ang kliyente at may credit card kaya ayaw mo siyang pakawalan, tama din ba na hindi mo alamin muna kung ano ang pangangailangan niya bago mo siya bentahan ng insurance.pano kung meron na pala siya Life Insurance sa ibang Insurance Company?Alam niya ba kung magkano ang kayang halaga na ilaan ng kliyente para sa Life Insurance Plan?At ano ba ang pinagkakakitaan nito para malaman niya kung magkano ang ilalaan ng kliyente para sa kanyang life Insurance na naayon lamag sa kanyang kinikita kada buwan,paano na lang din pala kung may malaki siyang pondo sa kanyang credit card at sigurado lahat yun ay pinambayad sa Life Insurance na binenta niya sa kliyente?Hindi ba malaking kahihiyan at kasiraan sa lahat ng insurance Company ang ginagawa nilang iyon.Kaya hindi ako nagtataka na na maraming Insurance Agent ang natatanggaln ng lisensya dahil sa sistema na kanilang ginagawa. Ako po ay Lisensyadong Financial Advisor sa Philam Life,isang kompanyang pinagkakatiwalaan at respetado ng mamayang pilipino at halos lahat ng kilala at matatag na kompanya sa ating bansa.Ako po ay nagtraing ng halos 3 buwan at nagtake ng Insurance at Investment Exam sa Insurance Commison para kami ay maging lisensyadong Insurance Agent.Marami pa din akong inatenan na trainigs dahil haggat ahente ako kelangan kong umaten ng mga trainings,patuloy pa din akong nagaaral sa filed na ito dahil hindi basta basta ang trabaho namin.Ang trabaho namin ay hindi lamang para bentahan ang aming kliyente ng Life Insurance Plan,kungdi sila ay maturuan at maeducate namin sa tamang paggastos ng pera,pagiipon at pagpapalog nito.responsibilidad namin na sila ay tulungan upang mas madali nilang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay,higit lalo ang pagseguridad ng kanilang pamilya sa mga bagay na hindi inaasahan na pwedeng dumating sa kanilang buhay,at turuan sila sa pagiipon para sa kanilang pagtanda ng sa ganu ay maenjoy nila ang kanilng pagtanda at hindi na nila kelangan magtrabaho pa para buhayin ang kanilang mga anak o umaasa sa kanilang mga anak dahil wala na silan kita dahils ila ay matanda na at magkaroon din silang malaking halaga na iiwan sa kanilang pamilya kung sila ay kukuhain na ng Diyos.Bilang Financial Advisor trabaho din namin alamin ang kanilang trabaho at kanilang kinikita,ilan ang kanilang mga anak,ilan ang mga taon nila,ilan ang ang nagaaral,magkano ang kanilang gastos sa isang buwan,magkano ang kanilang ipon,alamin ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga anak,halaga na nais nila para sa pagaaral ng kanilang anak sa college,ilan taon bago sila magcollege,halaga na ilalaan nila pambili ng bagong bahay o bagong sasakyan at ilan taon ang ilalaan para ito ay mabili at pondo sa kanilang pagtanda,para malaman namin at masabi sa aming kliyente kung magkano ba yung dapat niyang itabing halaga para ang lahat ng ito ay matupad,at ang halagang iyon ay naayon lamang sa kanyang kinikita,dapat dun palang alam na namin kung anong yung magandang plano na iaadvise namin sa kanila yung naayon sa kanilang pangangailangan,kinokompyut na namin at meron kaming mga datos upnag malaman namin kung magkano ang tuition ng anak nila makalipas ang ilan taon at kung magkano na ang value ng pera pagkalipas ng ilan taon.Hindi naman sila kelangan pilitin o kulitin,trabaho namin ito para paalahanan sila na dapat nilang iseguridad nag kanilang pamilya,magipon para sa pagaaral ng kanilang anak sa college,pondo sa kanilang pagtanda at pondo para sa kanilang mg pangarap. Si Philam Life ay tumutulong sa lahat ng pilipino para magkaroon na maayos na pamumuhay,iseguridad ang kanilang pamilya kapag sila ay nagksakit o namatay at mapabilis ang pagtupad ng kanilang mga pangarap.Ang lahat ng hinuhulog at iniinvest ng mga kliyente sa kanilang mga Plan ay pinapalago ni Philam Life sa pagiinvest sa Stockamarket,bSiya din ay nagiinvest sa mga proyekto ng gobyerno,industriyal man o agrikultural at iba pa, Siya din ay nagpapatayo ng eskwelahan sa mga liblib ng probinsya sa buong pilipinas para ang mga batang walang kakayahan makapagaral ay makapagaral na.Kaya hindi ako nagtataka na ganun kabless si Philam Life dahil sa hangarin niya sa bawat pilipino at sa makatulong sa pagunald ng ating ekonomiya.Kaya nga po 66 years na po siya sa pilipinas,dumaan po ang Global Economy crisis,Asian EConomy Crisis at Bagyong Ondoy at Hanging Habagat pero matatag pa din siyang nakatayo at patuloy pa din sa paglilingko sa mamayang pilipno Lage pinapaalala samen ni Philam Life na MISSION FIRST BEFORE COMMSION dahil maraming insurance agent na inuuna muna ang commision bago ang interes ng mga kliyente. Hindi po biro nag aming trabaho at responsibilidad,Sa trabaho pong ito wala po kaming sahod,pero kung commision lang din po ang paguusapan, doble o triple ang aming pwedeng kitain kapag napaglingkuran namin ng maayos ang aming kliyente at kumuha ng Investment Plan.Pagtitiwala ang binibigay namin sa aming mga kliyente dahil nakatay samen ang kanilng mga pangarap at perang pinaghirapan kaya hindi po namain ipagpapalit yun upang masilaw kami sa pera. Mensahe ko lnag po sa inyo sana maging matalino po kayo kung kayo po ay kukuha ng Life Insurance at investment Plan,pagaralan niyo po,alamin niyo po sa internet.Magtanong po kayo ng magtanong sa mga ahente,dahil trabaho po nila na sagutin ang inyong mga tanong at paglingkuran kayo dahil responsibilidad nila na tulungan kayo para isettle ang inyong mga priority sa buhay.Alamin niyo po ang inyong pangangailanagan at magkano ang halaga na kaya nyong ihulog at ito po ay naayon lamang sa inyong kinikita.kayo po ang magdesisyon hindi po ang mga ahente.Huwag po kayo papadala dahil pinipilt kayo,dahil kaibigan niyo,kamaganak niyo o nirefer sa inyo nga mga kaibigan niyo.Dapat po bilang ahente alam niya po lahat ang kalakaran sa insurance at investment plan.Dahil perang pinaghihirapan niyo po ang nakakasalaly dito at ang kinabukasan ng inyong mga anak at inyong mg pangarap.Pagaralan noyo din po ang mga kompanya kung sila o ba ay matatag,ipagtanong niyo po sa mga kakilala niyo,sa internet isearch niyo po ang kanilang profile. Marami Salamat sa inyong pagbasa! God bless you all po! Cris Payawal Financial And Investment Advisor Philam Life
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 20:57:49 +0000

Trending Topics



>

Recently Viewed Topics




© 2015