Jesse Robredo Foundation Launch earlier today and a Forum called - TopicsExpress



          

Jesse Robredo Foundation Launch earlier today and a Forum called Politicans Meet Professors Cong. Leni Gerona Robredo had a powerful impromptu closing message. Read some parts of it: My husband kept repeating: “For the country to succeed, good governance really must be the norm. Kanina may nagtanong: “saan ba dito papasok ang good governance?” EVERYWHERE. Good governance should be demanded by everyone. And when you say good governance, sa asawa ko, tatlo lang yun: (1) All government officials should always be made ACCOUNTABLE. And there has to be a system that requires accountability of them. (2) All government processes should be TRANSPARENT. Yung constituency natin ngayon talagang masyadong cynical as far as government is concerned. Siguro nagiging cynical kasi pakiramdam nila marami silang hindi nalalaman na nangyayari. Siguro kung maresolve natin ang transparency issues, bubuti yung antas ng paniniwala sa gobyerno. (3) Grabe din ang paniwala ng asawa ko sa PEOPLE PARTICIPATION. Kaya isa din ako, tulad ni Senator TG na talagang isinusulong ang BUB (Bottom-Up Budgeting) concept. Kasi paniniwala ng asawa ko nung siya ay Mayor pa ng Naga, dapat bigyan ng puwang ang mga tao na directly makaparticipate sa governance. My husband strongly believed that governance is not limited to government alone. But it should embrace citizens participating with their government. Pero ito kasi, dapat maging bukas ang gobyerno. Hindi lang ito basta basta sasabihin sa mga tao na “dapat maging active kayo, kailangan maging vigilant ” May other side of the coin, kahit anong vigilance ng tao pero kung hindi bukas ang gobyerno, wala pa rin syang puwang upang mag-engage. So dapat ang gobyerno natin bukas sa people participation. Kailangan i-institutionalize ito. Sa Naga po, we had the so-called Empoowerment Ordinance. Na kahit sino ang nakaupo, required sya na buksan ang government processes sa participation ng lahat ng tao.” ……Kailangan maging vigilant yung mga tao. Maging vigilant to require good governance from their governors. Kasi otherwise wala tayo. Pero yung pagiging vigilant natin, sana mapagpabuti din. Kasi pag very unreasonable kasi ‘yung ating vigilance, hindi na tayo pinapakinggan. So dapat machannel natin sa maayos para yung boses natin binibigyan ng saysay. Kasi yun siguro ang napapansin ko, pag ingay ka lang ng ingay, kontra ka lang ng kontra, hindi na binibigyang halaga ang boses mo. Kaya sa akin din po, pangalagaan natin ang ating opinion, pangalagaan natin ang ating paniniwala para may relevance tayo. Kasi otherwise, kung mawalan tayo ng relevance, parang nawalan na rin tayo ng boses. Gusto lang namin pasalamatan yung lahat na dumalo. Hindi ko po alam kung napaka-assuming ko, pero siguro nang narinig nyo na launching ito ng Jesse Robredo Foundation, lahat kayo naniniwala sa kanyang pinaniwalaan at pinaglaban.
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 17:17:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015