KAKAMPI MO ANG BATAS.SYNDICATED, FILIPINO. 27 JULY 2013 Aquino - TopicsExpress



          

KAKAMPI MO ANG BATAS.SYNDICATED, FILIPINO. 27 JULY 2013 Aquino gov’t, inutil sa kriminalidad INSPIRASYON SA BUHAY: “…Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa kaligtasan ng bawat mananampalataya…” (Roma 1:16, Bibliya). -ooo- AQUINO GOV’T INUTIL SA KRIMINALIDAD: Naririto ang ilan sa mga headlines mula sa isang sikat na pahayagan sa kasalukuyan: “Kasong pagpatay isinampa vs. 2 pulis sa rubout”; “De Lima sa CIDG exec: pangalanan ang NBI agent na protektor ng drug lords”; “Mga pagpatay nakakasira sa imahen ng Apayao bilang mapayapang probinsiya”; “Lalaki, pinatay sa Pasig”; “Lalaki, sugatan sa pangatlong insidente ng pamamaril sa San Juan sa loob ng isang linggo”; at “Mag-asawa, binanatan habang papunta sa simbahan sa Cebu”. Maliwanag, ang krimen at mga kriminal ay namamayagpag sa Pilipinas, at tila wala na ngang magawa ang gobyernong Aquino ukol sa mga ito. Sa totoo lang, ang mga nasabing headlines ay ukol lamang sa mga krimeng nai-ulat sa mga autoridad, at lumabas sa media. Maraming iba pang krimen na ni hindi na nakakaabot sa kaalaman ng mga autoridad, at ni hindi na din naibabalita pa. Ganundin, marami ding ibang mga balita na pinagpiyestahan kailan lamang: ang korapsiyon sa bilyon-bilyong pisong pork barrel funds ng mga kongresista at senador na ibinubulsa lamang ng ilan; smuggling sa Bureau of Customs na matataas na opisyal pa mandin ang diumano’y kumakalinga; at, noon lamang Julio 26, 2013, isang babaeng disbursing officer ang nasugatan sa isang ambush sa Zamboanga Del Norte, kung saan napatay naman ang kanyang asawa. -ooo- MASAMA NA ANG KAPANAHUNAN NGAYON: Talagang masama na nga ang kapanahunan natin ngayon. Pero, hindi natin masasabi na hindi tayo nabigyang-babala na ang ganitong pagsulong ng krimen sa napakalawak na lugar ay magaganap isang araw sa ating bansa. Nabigyang-babala tayo, sa totoo lang, at sa detalyadong kaparaanan pa mandin, noon pa man. Isipin natin ang nakasulat na ito: “Tandaan ninyo ito: magkakaroon ng matinding kasamaan sa mga huling araw. Ang mga tao ay magiging maibigin sa sarili at sa pera, mayabang, mapagmataas, abusado, suwail sa mga magulang, walang utang na loob, makasalanan at walang kabanalan, walang pagpapatawad sa kapwa, mapanira, walang pagpipigil sa sarili, brutal, hindi umiibig sa mabuti, traydor, walang pakundangan, sarili lang ang isinasaalang-alang, nagmamahal sa kasiyahan at hindi sa Diyos…” Mula ito sa Bibliya, partikular sa kanyang 2 Timoteo 3:1-5. Ngayon, bakit ba nangyayari ang mga ito? Ayon naman sa 1 Timoteo 4:1, ganito ang dahilan: “Maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw, marami ang manlalamig at aalis sa pananampalataya, at sa halip ay susunod na lamang sa mga mapanlinlang na espiritu at gagawa ng mga bagay na itinuro ng mga diyablo…” -ooo- DIYABLO AT KADEMONYOHAN: At, mula sa 2 Timoteo 4:3, may paglalahad din doon kung bakit magiging tagasunod ng diyablo ang marami at makakagawa sila ng kadimonyohan. Ayon dito, marami ang hindi na makikinig sa mga mabuting aral, kundi sa mga bagay na lamang na nais na marinig ng kanilang mga tenga, mula naman sa mga mangangaral na wala na ring ipangangaral kundi ang nais na lamang madinig ng kanilang mga kasapi. Ayon sa bahaging ito ng Bibliya: “Sapagkat dumarating na ang panahon kung saan ang mga tao ay di na maniniwala sa mga tapat na aral. Sa halip, upang mapagbigyan nila ang kanilang mga kalayawan, makikinig na lamang sila sa mga mangangaral na ang ipangangaral ay ang nais na lamang nilang marinig. Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan, kundi ang mga alamat na lamang…” At sinasabi ng Roma 1 na dahil hindi na nakikinig sa katotohanan ang mga tao, nagdidilim ang kanilang mga pag-iisip at ang kanilang mga puso, kaya hinayaan na sila ng Diyos sa “kasamaan, katiwalaan, kasakiman… kawalan ng kabanalan… pagka-inggit, pagpatay, pagkaka-gulo, panlilinlang… malisya… (at nagiging) mga tsismoso at tsismosa, mapanira sa kapwa, galit sa Diyos, walang galang, mayabang… mapagmataas… (naghahanap) ng paraan sa paggawa ng kasamaan… sumusuway sa mga magulang… walang pagkaunawa, taksil…” Nakakadismaya, pero naririto na silang lahat, di ba? -ooo- REAKSIYON? Tawag po kayo sa 0917 984 24 68, 0918, 574 0193, 0922 833 43 96. Email: batasmauricio@yahoo, mmauriciojr111@gmail. -30-
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 08:02:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015