Kapag hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Ano ba dapat ang gawin - TopicsExpress



          

Kapag hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Ano ba dapat ang gawin mo? Maghanap ng iba. Sabi nga walang gamot sa tanga kundi pag kukusa. Mahirap ipagpilitan ang sarili sa piling ng iba. Puro sakit at poot lang ang mararamdaman mo. Mabuti pang maghanap ka ng iba. Yung ibang magpapasaya sayo at magpapaligaya sayo. Sumama ka sa lakad ng mga kaibigan mo. Ito lang ang pinakamatinong payong maibibigay ko. Dahil sa kaibigan nandoon yung ligayang sila lang ang makakapagbigay. Sila ang mga instrumento ng kasiyahan. Ang susi ng tawanan. Ang matibay na sandigan. Iiyak mo lang Oo, iiyak mo lang. Lalake ka man o babae. Ibuhos mo yan. Kung may kwarto ka. Mag kulong ka. Doon mo ibuhos lahat. Tanungin mo sarili mo. Bakit naging ganun? Malay mo ikaw pala may kasalanan. Bigla ka pang tumawa diyan. Magbasa ka ng mga magagandang nobela. Marami ang filipino authors diyan. Andiyan si Bob Ong, Si Ricky Lee, at si Eros Atalia. Sila ang mga naging inspirasyon nang karamihan. Maaring ako rin. Kaya ko naisusulat ang mga bagay na ito. Magsimba ka Bago mo mahalin ang ibang tao. Bakit hindi mo mahalin ang nasa likod ng lahat ng ito ? Ang taong gumawa ng lahat. Kausapin mo siya. Siya lang ang makakaintindi sayo. Huwag kang mawawalan ng oras sa kanya. Pag siya ang nawalan ng oras sayo. Kawawa ka naman.
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 03:37:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015