Koreana natangayan sa hotel (AAblay) Kitang-kita sa kuha ng - TopicsExpress



          

Koreana natangayan sa hotel (AAblay) Kitang-kita sa kuha ng closed circuit television (CCTV) kung paano tina­ngay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang bag ng isang Korean national kahapon ng umaga habang nasa isang café sa loob ng Hyatt Hotel sa Maynila. Dakong alas-nuwebe ng umaga nang pumasok sa Market Café na nasa ikatlong palapag ng natu­rang hotel ang biktimang si Park Sin Hee, 43 at pansamantalang namamalagi sa Room 2738 ng Hyatt Hotel na matatagpuan sa Pedro Gil St., Malate, Maynila. Ayon kay PO2 Marlon Añonuevo ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section, inilapag umano ng Koreana ang kanyang bag sa tabi ng kanyang kanang paa ngunit makalipas lamang ang ilang segundo, hindi na umano niya makita ang naturang bag. Agad niyang ini-report ang insidente sa mga staff at security ng naturang café at nang tingnan ang kuha ng CCTV, dito na nila nakita ang isang lalaki na pagkatapos kunin ang gamit ng biktima ay pasimpleng umalis at nagtungo sa hindi matukoy na direksyon. Nakuha sa Koreana ang kanyang pulang bag na naglalaman ng isang Smart phone, perang nagkakahalaga ng P28,000; 150,000 Korean won at isang credit card. abante.ph/issue/sep0813/crimes02.htm
Posted on: Sun, 08 Sep 2013 03:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015