Kwentong Kalye Umuwi ka na bang duguan ang tuhod mo dahil tanga - TopicsExpress



          

Kwentong Kalye Umuwi ka na bang duguan ang tuhod mo dahil tanga yung kalsada at di nya sinabi sayong sesemplang ang dala-dala mong bike na may taling kulay pink na ribbon at may mini-basket sa may harapan? Natalo ka naba sa paglalaro ng jolen at ngumawa ng ubod lakas dahil nagkaron ng "barag" ang mga kanto ng pinakamamahal mong makikintab na Jolen? Naubos ba sa isang iglap ang inipon mo ng bonggang-bonngang mga teks? Na ang ending eh pinagppupunit- punit ng nanay mo dahil halos dun na lang umiikot ang munti mong mundo at ni hindi mo na mabasa yung salitang o- n-e-? Naranasan mo din bang itapon ng nanay mo ang isang plastic bag mong "pog" (yun nga ba tawag dun)--na muntikan niya pang isahog sa paborito mong sinigang dahil imbis na kumain ay bising-bisi ka pa sa paglalaro sa kanto? Naglaro ka ba ng tumbang preso at nabato ng chinelas sa muka? Naglaro ka bang ten-twenti at umiyak pag abot kili-kili na ng kalaban yung taas dahil hindi mo na maabot? Chinese garter na naging dahilan ng bonggang pagkabali ng kamay mo at nasemento- ng-di-oras? Nakipaglaban sa paggawa ng may pinakamaganda at pinakamalayong lyrics ng themesong ng batibot? Nagemo mode ng nag-aklas lahat ng kalaro mo sa kalye dahil dineclare na ng mga nanay nila ang martial law? Nag-adik sa pacman, mario, circus charlie at kung anik anik pang computer games dahil grounded ka na din sa hindi mo maipaliwanag na dahilan? Nang nawala ng biglaan isa isa ang mga kalaro mo dahil ang iba nakakasalubong mo na lang eh mga lalaking naka-saya na at ang mga babae eh hindi na daw pwedeng magtatalon at magpakalat- kalat sa kalsada dahil may "bisita" na daw sila??? Nang naiwan kang nakatunganga at tinatanong pa din ang nanay mo ng mahiwagang tanong na: "mama, bakit ganun? bakit lahat sila parang ayaw na saken ngayon?" Ang sarap sana maging bata ulit. Wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Dahil hindi pa yun maintindihan ng mura at bubut mong utak. Kung minsan gusto kong bumalik sa pagkabata--para lahat ng malulupit na katotohanan na nalalaman ko ngayon eh maintanggi / maitatwa ng mura kong isipan na nakatutok lamang sa iisang paniniwala : "Na ang paglalaro ay masaya, walang kasing saya"
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 11:47:58 +0000

Trending Topics



min-height:30px;">
SAYS JESUS CHRIST WORKS IN MYESTERIOUS WAYS,HE WILL INDEED DO WHAT
Morning folks....just to let you all know I will soon be doing a
Los sesgos cognitivos arruinan nuestra capacidad de razonar
AGO Adds Another Death Row Inmate to Imminent Execution List –
●▬● afternun fillas
Lacquer Box Architecture I have found it for you. Visit this

Recently Viewed Topics




© 2015