Love triangle nauwi sa ‘tusukan’ (Angely Ablay) Agawan sa - TopicsExpress



          

Love triangle nauwi sa ‘tusukan’ (Angely Ablay) Agawan sa babae ang pinag-ugatan upang saksakin ng isang 16-anyos na binatilyo ang kari­bal niyang menor-de-edad ng ‘banana que stick’, kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila. Ayon kay SPO2 Gil Gabuya ng Sta. Ana Police Station 6, ito umano ang sinasabing dahilan kaya sinaksak ni “Dan”, hindi tunay na pangalan ang 15-anyos na si “Jan-Jan” kapwa taga-Sta. Ana, Maynila nang magkasalubong ang dalawa sa lugar dakong alas-2:30 ng hapon. Nagtamo ang biktimang si “Jan-Jan” ng su­gat sa gawing likuran buhat nang tusukin ng banana que stick ng suspek. Dinala agad ang biktima sa Ospital ng Sta. Ana upang ipagamot ang tinamong sugat. Nauna na rito, matagal na umanong may a­litan ang dalawang binatilyo dahil kapwa nila napupusuan ang isang dalagita. Nahaharap naman sa kasong slight physical injury si “Dan” at itinakdang ma-inquest sa Manila Prosecutor’s Office sa City Hall ng Maynila habang sinusulat ang balitang ito. abante.ph/issue/aug0413/crimes02.htm
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 02:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015