MAG-INGAT KAYO SA ROOM FOR RENT! -Nonnie Ferriol Nagbigay ng - TopicsExpress



          

MAG-INGAT KAYO SA ROOM FOR RENT! -Nonnie Ferriol Nagbigay ng babala ang pulisya sa publiko na mag-ingat sa mga taong nagkukunwaring nagha­hanap ng room for rent subalit ang talagang pa­kay ay makapagnakaw lang pala tulad ng nangyari sa isang babaeng espesyalista ng mga herbal products na nabiktima ng isang beki na nagpanggap na mangu­ngupahan ng kuwarto sa kanyang tahanan sa Pasig City kahapon ng umaga. Nanlambot sa sobrang panlulumo dahil nawalan ng mga mamahaling gadgets at cash sa loob lamang ng halos isang oras si Hazel Bernardo, 32, na naninirahan sa Bgy. Pineda ng nasabing siyudad. Isinalaysay niya sa pulisya na dakong alas-10:10 ng umaga kahapon ng may kumatok sa kanilang bahay at nang kanya itong pagbuksan ay isang beki na nagpakilala agad sa pangalang Sheena. Nagtanong umano kay Bernardo ang beking suspek tungkol sa room for rent na nakalagay sa kanyang bahay. Nakiusap din umano ang bakla na kung maaari ay sa oras mismo ay makuha niya ang room for rent dahil kailangan nila ng kanyang kaibigan na makahanap kaagad ng mauupahan. Nagkasundo naman agad si Bernardo at ang beki sa halaga ng uupahang kuwarto na magbibigay ito ng dalawang buwan na advance at isang buwan na deposito. Nagbigay rin kaagad ang suspek ng P4,500 kay Bernardo kaya inutusan nito ang kanyang caretaker na linisin ang pinauupahang kuwarto sa kanilang bahay. Nagkataon din na paalis pala si Bernardo ng mga oras na iyon na dumating ang beki dahil papasok pa siya sa trabaho kung kaya’t iniwanan na nito sa kanilang bahay ang suspek na ang kasama na lang ay ang kanyang caretaker. Habang abala umano ang caretaker ni Bernardo sa paglilinis ng pauupa­hang kuwarto ay hindi na nito napansin ang mabilis na ginawang pagnanakaw ng beki sa kanyang kuwarto. Kabilang sa mga tinangay ng suspek ang mga alahas, gadgets tulad ng laptop at US$12,000 na nakalagay sa jewelry box na dapat sana ay pambili niya ng sasakyan. Kung gaano kabilis nakilala ni Bernardo ang suspek ay mabilis din itong nakaalis sa kanilang tahanan pagkatapos na maisagawa ang pakay na pagnanakaw. abante-tonite/issue/oct2513/crime_story01.htm
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 19:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015