*******MAKAKA RELATE KA!****** ENJOY READING..:) Calachuchi - TopicsExpress



          

*******MAKAKA RELATE KA!****** ENJOY READING..:) Calachuchi Bahaghari went from being In a relationship to Single . Sabay may drawing ng isang maliit na puso sa dulo. Isa sa mga post na lintik kung makatawag ng atensyon. Lalo na kung kilala mo ang taong yun at ang jowa niya. Tipong sumikat ang love team nila dahil sa maka-diabetes na ka-sweetan. Couples shirt kung saan ang nakaprint ay mukha ng bawat isa. Holding hands while kumakandirit. Magkadikit na pisngi ang profile pic nila sa FB. I love you messages sa text, sa call, sa twitter, sa status, sa email, sa YM pati na din sa telegrama. Cherry nalang sa kanilang mga bun-bunan ang kailangan, pwede na silang panghimagas. Dont get me wrong. Walang masama dun. In fact, Hanga ako sa mga taong hindi alintana ang iba sa pagpapadama ng kanilang pag-ibig. Pero paano kung biglang matapos ang dating akala mo ay walang hanggan? Paano kung naglasang hilaw na bayabas ang dating sintamis ng bukayo? Paano kung naihipan ng malakas na hangin ang apoy? Paano na kung wala na kayo? Okey lang siguro kung mutual ang decision. Tamang apir lang, naka move on na kayo pareho. Parang walang nangyari. Pero paano kung siya ay kumakanta na ng ayawan na! ayawan na! samantalang ikaw ay nagtatago parin sa likod ng punong mangga dahil akala mo, tuloy pa ang laro niyo nang tagu-taguan. Katatapos ko lang panoorin ang 500 days of summer. Ulit. Isa sa mga pinakamatingkad na eksena dun e nung nakipagbreak si summer kay tom. Medyo brutal. Biglaan. Ni walang ideya ang lalake na yun na ang katapusan. Nakuha pang kumain ng pancake ni summer habang dahan-dahang lumulubog ang puso ni tom papunta sa kanyang baga. Sabagay, bumawi naman si babae ng sabihing Dont go, youre still my bestfriend . Ayos. Parang sinubukan mong pagdikitin ang basag na plato gamit ang kanin sa kaldero. May tama bang paraan o linya sa pakikipaghiwalay? Heto ang ilan sa kanila: 1. IT S NOT YOU, IT S ME Anak ng hilaw na sayote. Isa sa pinaka lumang litanya. Sa sobrang luma nito, pwede na siyang itabi sa I shall return ni Mcarthur. Kung may iba pang chicks noon, malamang ito ang ginamit ni Adan para makipagbreak kay Eba. Ikaw naman pala ang may problema, bakit sakin ka nakikipaghiwalay? E di dapat ang iwanan mo e yang sarili mo. Schizo kaba o naka coccaine? 2. YOU RE TOO PERFECT FOR ME Applicable lang ito dun sa mga jowa na halos nasa kanila na ang lahat. Gwapo/Maganda. Matalino. Mayaman. May magandang career. Magaling sa sports. May alam sa music. May sense of humor. Mabait. Samakatuwid. Noong umulan ng magagandang katangian, may dala siyang planggana. Siya lang ata ang anak ng Diyos. Hindi ito pwede sa bf/gf mong ex-con o drug pusher. 3. IT S NOT WORKING Isa sa pinakamalabo. Bakit not working ?. Sira ba tayo na parang alarm clock na hindi tumutunog? O cellphone na hindi nakakareceive ng call kahit may signal? Ano? Kelangan bang palitan ang mga battery natin? 4. MAYBE WE RE NOT MEANT TO BE Naks. Paano mo naman nasabi yun? Dahil ba hindi tayo nagtagpo sa ilalim ng gabi na puno ng bituin? Dahil ba magkaiba ang sinagot natin sa compatibility quiz sa internet? Dahil ba vegetarian ka at nasusuka ako sa chopsuey? O dahil ayon sa horoscope e hindi tugma ang mga zodiac sign natin? Diba may bagong sign na nadagdag? Icheck mo ulit. Baka this time. Meant to be na. 5. I THINK WE WOULD BE BETTER OFF AS FRIENDS Sabagay. Kaya nga kita hinahatid sundo araw-araw. Kaya kita dinadalaw sa bahay niyo. Kaya kita tinetext ng iloveyou bawat oras. Kaya nga kita nililibre ng sine at dinner linggo-linggo. Kaya kita nireregaluhan ng alahas at sapatos kahit wala na akong makain. Kasi alam ko, sa bandang huli, FRIENDS parin tayo. Pakyu. 6. I M NO LONGER HAPPY Bakit? Teka. May mga bago naman akong knock-knock. Promise, di ko na uulitin yung joke tungkol sa contest ng hapon, intsik at pilipino sa pagpapalakasan ng putok. Mag-aaral ako ng juggling. Matuto din akong mag-magic.Magpaparet oke ako para maging kamukha ni Mr. Bean. 7. I FELL OUT OF LOVE Asan? Baka pwede pang damputin? Pag-pagan lang natin. Wala pa namang 5 minutes o dumaan na eroplano. 8. I NEED SPACE isa pang malabo. Bakit? Buong araw ba tayong naglalakad sa isang masikip na eskenita? Pero kung gusto mo talaga ng space, halika, ilalaglag kita sa gitna ng pacific ocean. 9. MAYBE IT S NOT THE RIGHT TIME Parang linya lang sa kantang somewhere down the road . We had the right love at the wrong time. Teka. Kelan ba ang tamang panahon? Pwede bang sabihin mo para mai-ekis ko sa kalendaryo namin? Siguro naniniwala siyang magugunaw na ang mundo sa 2012. 10. I HAVE A DIFFERENT SET OF PRIORITIES Sinabi ko bang umabsent ka sa trabaho para makapamasyal tayo sa Luneta? Binabawasan ko ba ang sahod mo na parang SSS at PAGIBIG? Kinumbinsi ba kita kahit minsan na iwanan ang pamilya mo at magpalit ng career bilang suicide bomber? 11. I DON T SEE MY FUTURE WITH YOU Ok lang sakin to. May lahi pala sila ng manghuhula. Itanong mo ang kombinasyon na tatama sa lotto bago ka umuwi. 12. YOU RE NOT THE ONE Patay tao diyan. Solid hit ito. Kumbaga, hindi ikaw ang tamang susi para sa isang kandado na tulad niya. So hindi bubukas. Hayaan mo na. Tandaan, ang mga kandado ay bagay lamang sa bilibid. 13. WE RE TOO SIMILAR Hala. Sobra naman daw ang compatibility niyo. Nagiging predictable at boring na ang relasyon. Hayaan mo na, tanggapin mo nalang pag sinabihan ka ng ganun. Sabay regaluhan mo ng aso. Pakasalan niya kamo. Ewan ko lang kung maging too similar pa. Hayop yun. Tao siya. 14. WE RE TOO DIFFERENT Sala sa init. Sala sa lamig. Masyado naman kayong magkaiba kaya daw hindi nagwowork. Ano bang gusto ng BF mo? Parehas kayong may bigote? Ano ba gusto ng GF mo? Pareho kayong gumagamit ng sanitary napkin? 15. YOU DESERVE SOMEONE BETTER Bakit? Higanteng teddy bear ba ako na premyo sa Timezone at kulang ang ticket na napanalunan mo? 16. WE VE GROWN APART Ano tayo? Sanga ng punong acacia? 17. I DON T SEE MYSELF IN A RELATIONSHIP RIGHT NOW tang ina ka. Bakit ngayon mo lang sinabi?? 18. WE SHOULD CONSIDER OTHER OPTIONS aruy. Sabagay, kung sa carinderia nga, di pwedeng puro adobo nalang ang ulamin mo. Try mo din yung piniritong isda na kahapon pa naghihintay na may bumili. 19. MAYBE THERE S SOMEONE ELSE FOR BOTH OF US oo naman. Gusto mo ireto kita sa tropa ko? Si Jograd. Mabait yun. Kalalabas niya lang ng manila city jail. Rape with murder ang kaso. Magkakasundo kayo. Try mo lang. Ano ngayon kung puro tattoo sa braso? Art yun. And dont judge a book by its cover. 20. WE RE NOT THE SAME PEOPLE AS WE WE RE BEFORE ibig sabihin di na siya tao. Bampira na siya. O werewolf na may six pack abs. Umpisa palang yan. Syempre may secondary ammunition pa. 1. I HOPE WE COULD STILL BE FRIENDS Oo naman. Buburahin nga lang kita sa Facebook, Twitter at cellphone ko. Susunugin ko din mga litrato mo para gawing bonfire. At wag na wag kanang dadaan sa bahay. Bibili ako ng bagong aso. Yung hindi ka kilala. Para lapain ka kung sakaling maligaw ka samin. Pero friends parin tayo. 2. I STILL CARE ibig sabihin nito, wag mo daw bawiin yung mga mamahaling gamit na niregalo mo sa kanya. 3. I LOVE YOU, BUT IM NOT IN LOVE WITH YOU Astig. Nakuha niyang durugin ang puso mo ng pinong-pino na tila pulbos ng espasol dahil lang sa salitang IN . Kahit sa scrabble hindi pwede yun eh. 4. I WILL TREASURE YOU FOREVER ako din, i will treasure you forever. Pwede ko bang hingiin ang bungo mo para gawing souvenir?? 5. YOU WILL REALIZE THAT IT S FOR THE BETTER siguro nga. Dadating ang panahon na matatangap ko din. Salamat ha. For the mean time, pwede ba kitang saksakin ng bread knife sa leeg? Pang-alis stress lang. 6. YOU RE LIKE A BROTHER/SISTER TO ME kung trip mo ding halikan ang kapatid mo tulad ng sa atin. Patingin ka sa psychiatrist. 7. IT S NOT THAT THERE S SOMEONE ELSE (FOR NOW) wala naman daw siyang iba. as of this moment. habang kausap ka niya at mahigpit ang hawak mo sa tinidor at kutsilyo. 8. IT S OVER, PLEASE UNDERSTAND oo nga naman. Intindihin mo siya. Mukhang hirap na hirap si gago sa pinagdadaanan niya. Sana maintindihan ka rin niya pag sapilitan mo siyang pinainom ng insecticide. 9. MAYBE IT S STILL US IN THE FUTURE astig. Pansamantala muna niyang dudukutin ang puso mo at ilalaglag sa blender. Tapos ibabalik niya sayo ang baso ng dinuguan shake kalakip ang pag-asa na baka bukas o sa kabilang buhay e magiging kayo uli. Sarap no. 10. YOU RE STILL MY BEST FRIEND the best. Ayaw mo nun? Bestfriend ka pa rin niya? So ibig sabihin, ililibre mo parin siya at obligado kang magregalo tuwing may okasyon. Anong kapalit? Ikaw lang naman ang unang makakaalam kung sino ang bago niyang jowa. Ikaw din ang unang makakarinig ng mga sweet moments nila nung ipinalit sayo, habang ikaw ay busy sa paghihigpit ng tali sa iyong leeg na nakasabit sa ceiling fan. Pagkatapos mong palitan ang pangalan niya sa phonebook bilang Lucifer, gawing scratch paper ang mga sulat niya pag math exam, idikit ang picture niya sa mga wanted posters, ituro siya bilang prime suspect sa holdapan ng mga computer shop, idelete sa mga social networking sites, ipagkalat na ipinanganak siyang may buntot na parang unggoy. Aminin mo. Ilang beses mo paring chinecheck ang profile niya sa FB gamit ang isang dummy account. Natural lang yun. Alangan namang maghanda ka pa ng pansit at biko dahil iniwan ka ng jowa mo. Di madaling lumimot. Pero lilipas din yan. Parang gutom. Mahapdi sa simula. Pero nawawala din. Dadating ang oras, matatawa ka nalang kung bakit mo pinagaksayahan ng luha ang gung-gong na yun.
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 04:39:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015