“MINUTE TO WIN IT,” HAHANAPIN ANG SUSUNOD NA HEAD TO HEAD - TopicsExpress



          

“MINUTE TO WIN IT,” HAHANAPIN ANG SUSUNOD NA HEAD TO HEAD STUDIO PLAYERS SA RESORTS WORLD MANILA. Susugod ang buong team ng top-rating Kapamilya game show na “Minute to Win It” sa Resorts World Manila sa Pasay City ngayong Huwebes (Hulyo 18), simula 9AM upang hanapin ang susunod na maglalaro sa mas pinainit at mas pinatindi nitong Head to Head Challenge. Bukas ang audition para sa mag-best friend, magkatrabaho, mag-ina, mag-ama, magkabarkada, magpinsan, magkasintahan, at ibang klase ng pares na 21 taong gulang at pataas. Magdala lang ng government ID at pumunta sa 3rd Floor, Vestibule Area ng Resorts World at baka kayo na ang susunod na maglalaro para sa P1 milyon. Ang unang 1,000 pares lang ang tatanggapin. Dumalo na sa auditions sa Huwebes (Hulyo 18) at manatiling nakatutok sa “#MinutetoWinIt Head to Head Challenge” kasama ang host na si Luis Manzano, mula Lunes hanggang Biyernes, 11AM sa #ABSCBN.
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 02:30:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015