Manhunt isinagawa para sa suspek sa pagpaslang ng court sheriff - TopicsExpress



          

Manhunt isinagawa para sa suspek sa pagpaslang ng court sheriff at pamangkin ng Judge sa Sultan Kudarat Naglunsad na ng malawakang manhunt operation ang pulisya at militar laban sa grupong nasa likod ng pagpaslang sa pamangkin ng isang judge na natagpuan ang bangkay sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat Province. Una nang pinaniniwalaang dinukot si Rubilyn Gleo, pamangkin ni Judge Renato Gleo ng RTC Branch 19 sa kapareho ring araw pero natagpuan na lamang ang bangkay nitong tadtad ng tama ng bala ng baril. Matatandaan na unang pinaslang si Edwin Cabug, court sheriff ng RTC Branch 19 habang naglilinis ito ng bahay sa Barangay Sampao, Isulan, Sultan Kudarat Province. Kumbinsido naman ang mga imbestigador na may kaugnayan ang pagkakapaslang sa dalawang biktima at iisang grupo lamang ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 04:49:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015