Manliligaw lang ako kaya pasukan mo ng beat Mga langgam ay aatake - TopicsExpress



          

Manliligaw lang ako kaya pasukan mo ng beat Mga langgam ay aatake sa mga lyrics ko na sweet Ikaw ay all in one, excellent, Perfect at epic Sa tamis ng yong ngiti ako’y nagiging diabetic Pero di lang yon dahil sayo ay nagka-LOVEnat Kaya ang KISSpirin, YAKAPsule mo reseta yan lahat Kaya ikaw lang ang sagot ikaw magsisilbing dortora Mas malawak sa bulsa ni Doraemon at sa bag ni Dora Nireserba ko ikaw sa puso ko ay may lugar Kase ika’y mas mahalaga sa Yen sa Peso at Dolyar Kunyare spinach ka ni Popeye at genie ni Aladdin Kaya kapag ikaw ay nawala ako’y wala na din So hayaan mo na po ako sayo ngayon manligaw kahit na bawalan mo ako magyosi.beer at hikaw OK lang kase ikaw na bisyo ko sayo’y naadik Pag ako ay nagmahal si Kupido ay nagpapanik Chorus: Di mo alam kahit di ka makiusap ay gusto Ko rin naman Nagpapakipot lang Kase baka naman ligaw mo ay biro biro lang Kaya pwede bang patunayan na mahal mo’y Ako lang Di ko ugali mambabae kahit na I’m a rapper Wag na wag na wag na wag mong iisiping “amalayer” Di ako ganon kapogi, di ako ganon kapanget Dyablo man tingin sa akin Hahatid kita sa langit Kahit na masunog pa ko magawa lang ang papel Ako’y demonyong nagbigay mensahe sa isang anghel Kapag umibig,BIG,kaya wag mong ismallin Selos ako sayong magulang sana ako ay kiss mo rin Ang panliligaw ko hindi naman to Bingo at Lotto Kaya wala tong halong pambobola’t panloloko Eto talaga ako, totoo walang gayuma Tumanda ka mang bungi.bungal,mastroke at may rayuma Nandirito lang ako hanggang ikaw ay maging lola Kaya dib a nga ikaw pinili ko kesa sa Dota Biro lang di ko alam laruin mga ganon Ang alam ko lang, ,mahal kita, ayon! Chorus: Di mo alam kahit di ka makiusap ay gusto Ko rin naman Nagpapakipot lang Kase baka naman ligaw mo ay biro biro lang Kaya pwede bang patunayan na mahal mo’y Ako lang Kahit ang puso mo ay matigas na para bang may armor Ayos lang basta bas akin mo lang ipapaarbor Aking rap ay merong super-mega-hyper rhyme to Walang makakapigil dito kahit cyber crime law Kahit ako ay makulong at madakip at bitbiten Dahil nakawin puso mo ang paborito kong krimen Pasensya na kung panliligaw dinaan ko lang sa love song Ibigay mo puso mo tila protektado yan ni asiong Kahit may snatcher at holdaper at mga rapist at halang Ako ang superhero mo kaya mahal,kalma lang Maniwala ka sa akin totoo lahat to. “Weh?” Oo nga, tingnan mo ang puso ko na- Sagpro dre Lalalalalalalove talalalaga kita walala akong pake lalalahat man Manita Lalambot din puso mo na singtigas ni Robocop kala mo tatantanan kita? Ano ko bobo kap? :P Chorus: Di mo alam kahit di ka makiusap ay gusto Ko rin naman Nagpapakipot lang Kase baka naman ligaw mo ay biro biro lang Kaya pwede bang patunayan na mahal mo’y Ako lang
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 11:16:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015