Mga Pinoy sumungkit ng pilak at tanso sa Asian Extreme Sports - TopicsExpress



          

Mga Pinoy sumungkit ng pilak at tanso sa Asian Extreme Sports Championship Nagsasaya ang mundo ng extreme sports dito sa ating bansa sa pagkapanalo nila BMX Stunts Icon Armand Mariano at skateboard sensation Jeff Gonzales. Si Mariano ay nag-uwi ng Bronze medal sa BMX Best Trick Contest sa kanyang tirang backflip fakie, samantalang si Gonzales naman ay nakapanalo ng siver medal sa Skateboard Best Trick Competition. Nangyari ang labanang ito noong Hunyo 29 at 30 ,sa Rakan Muda Sports Complex,sa Kuala Lumpur, Malaysia. Labin-pitong bansa ang naglaban-laban sa torneong ito. Ang Urge Media ang lokal na taga pangasiwa ng mga extreme sports contest sa bansa ang humahanga sa kagalingan ng mga Pinoy na sumabak dito. “Kahit na kulang ang suporta ng Gobyerno and suporta din sa atletang lumaban dito, kakulangan ng training facility gaya ng skateparks na meron sa ibang bansa, hindi ito hadlang upang makamit nila ang panalo na magbibigay buhay sa extreme sport scene ng bansa, ito ang Pusong Pinoy!, Kahit hindi ang Urge Media ang nasa likod ng pag-aasikaso sa torneong ito, tutulong kami sa pagpapakilala ng galing ng Pinoy sa larangan ng extreme sports dito sa bansa sa abot ng aming makakakaya. “ tugon ni Jon Naguit, CEO/President Urge Media, Nakasama din sina Cobra-Urge Ride Rules! Tour, Season 1- Grand Champion-Dan Lopez, sa Philippine Contingent. Pumwesto sa sya sa ika-dalawampung pwesto sa BMX Park Contest. Naak-sidente sya sa kanyang tkabo, samantalang si Armand Mariano ay pumang-anim labang ito. Samantala, antabayanan si Armand Mariano sa Grand Finals of Cobra-Urge Ride Rules Tour,Season 2, sa September 28, 2013, sa Gat Andres Bonifacio Shrine, sa Maynila. Si Mariano ay lalaban sa Grand Champion sa BMX Box Jump Contest sa labang Game of Bike contest winner take all match. (William Rodriguez III)
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 02:29:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015