Minsan naiisip natin na may pagkakataon nakukulangan tayo sa oras - TopicsExpress



          

Minsan naiisip natin na may pagkakataon nakukulangan tayo sa oras na ibinibigay sa atin ng taong mahal natin sa atin. Feeling mo ang busy busy. Hindi niyo na nagagawa ang mga dating niyong nagagawa. Wala na ang atensyon niya sa inyo. Dapat hindi ka mainis kaagad. Tingnan mo muna kung ano ang sitwasyon niyo. Kung busy sa pag-aaral o trabaho pwedeng intindihin mo na lang muna dahil alam mo naman na makakabuti yun para sa kanya. Wag mo siyang hilahin mababa at pigilan sa mga bagay na dapat niyang gawin. Iappreciate mo yung efforts niya na kahit busy yung tao ay naglalaan pa rin siya ng konting oras para sa’yo. Hindi niya pwedeng paikutin ang buhay niya sa’yo dahil may sariling buhay din siya. Matutong makuntento at umintindi. Mabuti na yung kahit kaunting oras kesa naman sa wala.
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 05:29:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015