::::::::::::::: NEWS ::::::::::::::: MAY KULONg NA SA MGA RACIST - TopicsExpress



          

::::::::::::::: NEWS ::::::::::::::: MAY KULONg NA SA MGA RACIST Ikukulong at pagmu multahin na ang mga racist o nandudusta , nanlalait , nagmamaliit at nagdi-discriminate ng lahi, relihiyon gayundin ang mga indibidwal na ang hobby o libangan ay mang- insulto ng kapwa atu mga paniniwala ng iba . Iginiit ni Tarlac Rep. Susan Yap na dapat ay mabigyan ng leksyon at maparusahan ang mga violator upang mawalis ang mga kaso ng diskriminasyon sa bansa. Ang pang -iinsulto sa lahi, ethnic origin, relihiyon o religious affiliations at mga paniniwala ay ituturing ng krimen , ayon sa panukalang batas na inihain nito sa Kamara. Sa ilalim ng House Bill 401 , isinusulong ng lady solon ang pagbuo ng epek tibo at komprehensibong legal framework para malabanan ang lahat ng klase ng diskriminasyon. “The bill will avoid unnecessary prejudice and other forms of intolerance and give equal opportunity to each individual to achieve his full potential as a person and as a Fili pino citizen, ” ani Yap. Puntirya ng panukala na kung hindi man tuluyang ma -eliminate ang mga kaso ng diskriminasyon sa lipunang Pinoy ay mabawasan naman ang mga ganitong uri ng pang -aalipusta. Ang mga lalabag ay mahaharap sa anim na buwang pagkakabilanggo at pagmumultahin ng hindi sosobra sa P100 , 000 . #mahal basa basa lng ng balita habang nagkakape...morning k proud!!!!!!
Posted on: Sun, 06 Oct 2013 00:08:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015