"Nakakasawa na." Wag mong hintaying dumating sa puntong sasabihin - TopicsExpress



          

"Nakakasawa na." Wag mong hintaying dumating sa puntong sasabihin ito sayo ng mahal mo. Kapag naiparamdam o naipakita mo sakanyang may dahilan para iwan ka, wala ka nang magagawa rito. Minsan, kapag paulit-ulit nang nasasaktan ang isang tao, nagsasawa na ito. Nakakapagod tanggapin ang isang bagay, lalo na’t uulit-ulitin lang ito. Minsan nagmumukha tayong tanga dahil patawad tayo ng patawad, tapos aabusuhin lamang ito. Ang salitang “Sorry” at “Hindi ko na uulitin” ay mga paasa na lamang. Hindi mo na alam kung maniniwala ka pa ba rito, at hayaang magpakatanga. Oo, tanga na ang tawag dito. Kapag nakikita mong tila wala nang balak magbago ang isang tao, wag ka nang magdala-dalawang isip. Magpaalam ka na. Kung mahal ka talaga niya, alam niya ang tama sa mali. Alam niyang nakakasakit siya at magiging sensitibo siya sa nararamdaman mo. Nagsasawa lang ang tao kapag nakikita niyang hindi siya pinahahalagahan nito kahit anong effort ang binibigay niya. Kaya matuto kang magpahalaga. Nagsasawa ang tao kapag paulit-ulit na lamang ginagawa ang mga bagay na ayaw niya. Kaya dapat alam mo kung ano bang mali sa ginagawa mo at pano ito aayusin. Pumasok kayo sa isang relasyon para tulungan ang isa’t isang maging mas mabuting tao. At hindi para pagsawaan na lamang na parang lumang laruan na pwedeng palitan kahit kelan mo gusto. Tao yan at may nararamdaman. Kaya kapag nasobrahan na, napapagod rin yan.
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 16:04:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015