Nasaan na si MNLF commander Malik? by Robert Ticzon Sep 29, 2013 - TopicsExpress



          

Nasaan na si MNLF commander Malik? by Robert Ticzon Sep 29, 2013 4:58pm HKT TALIWAS sa deklarasyon nina Interior Sec. Mar Roxas at Defense chief Voltaire Gazmin, hindi pa rin maituturing na tapos na ang krisis sa Zamboanga na eksakto tatlong linggo na nang salakayin ng MNLF-Nur Misuari group. Ayon kay City Mayor Beng Climaco, aabutin pa ng ilang linggo bago tuluyang maideklarang ligtas na para sa daang libo nilang residente na makabalik sa kanilang tirahan. Maalala na unang inihayag ni Sec. Roxas na tapos na ang Zamboanga siege habang ipinagmalaki naman ni Armed Forces of the Philippines spokesperon Lt/Col. Ramon Zagala na humupa na rin ang banta sa lungsod. “Siege in Zamboanga City is over. We honor the fallen, the brave and the soldiers & policemen who died for their countrymen,” ayon kay Roxas. Pero ayon kay Climaco, wala pang clearance sa kanila ang militar para bumalik ang evacuees at maging ang trabaho sa city hall. Kinuwestyon din ng opisyal ang resulta ng military operations laban sa mga rebelde, partikular ang kinaroroonan o nasaan na si MNLF commander Habier Malik. Si Malik ang tinuturong lider ng mga rebelde na sumalakay sa lungsod noong Setyembre 9. “Where is Malik? I have been questioning them on where is Malik,” giit ng alkalde. Una rito, lumabas ang report na nagawa umanong makatakas ni Malik patungong Sulu, sa gitna nang mahigpit na kordon ng militar. Sa panig ni Sec. Gazmin, patuloy pa aniya nilang bina-validate ang mga impormasyon hinggil sa MNLF commander. remate.ph/2013/09/nasaan-na-si-mnlf-commander-malik/ Admin KEN
Posted on: Sun, 29 Sep 2013 14:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015