Nasaan na si Ma’am Arlene? NOONG biglang ‘sumibat’ si - TopicsExpress



          

Nasaan na si Ma’am Arlene? NOONG biglang ‘sumibat’ si ARLENE ANGELES LERMA alyas Ma’am Arlene nagsalita sa isang interview si Manila Vice Mayor Isko Moreno na huwag daw mag-alala dahil babalik daw ang kanyang dating staff. Matikas ang pahayag noon ni VM Isko. Tiyak na tiyak siya na parang nagpaalam sa kanya si Ma’am Arlene. Sabi pa nga niya ‘small time’ lang si Arlene … small time kompara kay Janet Lim Napoles?! Napag-alaman natin na si Madam Arlene na dating staff ni VM Isko ay nagpresinta kay Mayor Alfredo Lim na ihaharap daw niya ‘yung mga taga-Department of Justice (DoJ). Aba, ‘e nagulat si Mayor Lim dahil noon niya nasukat na mukhang mabigat ang dating ni Arlene sa DoJ. Lumalabas na siya pala ang ‘ENGKARGADO’ ng mga fiscal sa Maynila?! Hindi na tayo akyat nang akyat ang mga kasong libel laban sa mga mamamahayag gaya namin. ‘Di ba State Prosecutor Eufrociño Sulla Oktubre 16 nang makasibat si Ma’am Arlene. Anong petsa na? Hindi pa rin siya nagbabalik?! Higit sa lahat, ipinalagay na ba siya ni Justice Secretary Leila De Lima sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI)? Only in the Philippines na ang mga ‘suspek’ sa katiwalian ay nakalalabas ng bansa … Bagyo ka talaga Vice Mayor Isko! Anyway abisohan mo kami sa pagdating ni Ma’am Arlene, VM Isko, para namam masalubong ng MEDIA sa NAIA. hatawtabloid/2013/11/08/nasaan-na-si-maam-arlene/
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 06:07:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015